Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

‘Punung-puno Ito ng mga Hiyas’

‘Punung-puno Ito ng mga Hiyas’

‘Punung-puno Ito ng mga Hiyas’

Ganiyan inilarawan ng direktor ng isang hospisyo sa Illinois, E.U.A., ang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Ang brosyur at isang magasing Gumising! ay ipinadala sa kaniya ng isang Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng koreo dahil nabasa ng Saksi sa Gumising! na maraming may-edad na ang nagpapakamatay. Nang matanggap ng direktor ng hospisyo ang literatura, kaagad siyang tumugon.

Pagkatapos sabihin ng direktor ng hospisyo na ang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal ay punung-puno ng mga hiyas, sumulat siya: “Malulugod akong bigyan . . . ang mga pamilyang maaaliw sa praktikal na karunungan at sa mga reperensiya at pagtalakay nito sa Bibliya.”

Kaagad na tinawagan ng Saksi ang direktor at gumawa siya ng kaayusan upang personal niyang dalawin ang direktor. Humiling ang direktor ng 20 kopya ng brosyur at tinanong na kung maaari ay makipag-ugnayan ang Saksi tuwing ikalawa o ikatlong buwan upang magdala uli ng mga kopya.

Marahil ikaw o ang isang kakilala mo ay makatatanggap ng kaaliwan sa pagbabasa ng 32-pahinang brosyur na ito. Makahihiling ka ng kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na ipinakita sa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.