Isang Gabi na Dapat Alalahanin—Linggo, Abril 4, 2004
Isang Gabi na Dapat Alalahanin—Linggo, Abril 4, 2004
NOONG gabi bago siya mamatay, itinatag ni Jesu-Kristo ang Memoryal ng kaniyang kamatayan. Sa isang simpleng hapunan kasama ng kaniyang mga apostol, kung saan ginamit niya ang alak at tinapay na walang lebadura bilang mga sagisag, iniutos ni Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”—Lucas 22:19.
Malugod kayong inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova na sumama sa kanila sa pag-alaala sa taunang Memoryal na ito. Ito ay gaganapin sa taóng ito pagkalubog ng araw sa Linggo, Abril 4, ang petsa na katumbas ng Nisan 14 sa kalendaryong lunar ng Bibliya. Pakisuyong alamin sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong lugar at oras ng pagpupulong.