Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 24. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Ano ang binili ni Abraham sa mga anak ni Het sa halagang 400 siklong pilak? (Genesis 23:16-20)
2. Anong dalawang bagay ang ginamit sa dalawang tanda na hiniling ni Gideon upang patunayan na tutulong ang Diyos sa pakikipagbaka sa mga Midianita? (Hukom 6:36-40)
3. Anong uri ng gusali ang tinutukoy lamang sa mga aklat ng Bibliya na Cronica, Nehemias, Esther, at Daniel? (Daniel 8:2)
4. Ano ang labis na nakaakit kay Acan anupat ipinagwalang-bahala niya ang utos ng Diyos at naging dahilan ng pagkatalo ng mga Israelita sa Ai? (Josue 7:21)
5. Pagkatapos lalangin ng Diyos ang isang asawa para kay Adan, ano ang Kaniyang sinabi na magiging kalagayan ng mga mag-asawa simula sa araw na iyon? (Genesis 2:24)
6. Anong espiritistikong mga gawain ang hinahatulan sa Bibliya? (Deuteronomio 18:10, 11)
7. Paano ipinagdiwang ni Haring Ahasuero ang pagiging reyna ni Esther? (Esther 2:18)
8. Ano ang inihula ni Jesus na mangyayari sa kaniyang mga tagasunod dahil sa kaniyang pangalan? (Mateo 10:22)
9. Sino ang babaing Midianita na pinatay ni Pinehas nang dalhin ito ni Zimri sa kampo ng Israel para makipagtalik? (Bilang 25:15)
10. Sino ang inilalarawan sa ika-31 kabanata ng Kawikaan? (Kawikaan 31:10)
11. Sa anong salita nagsisimula ang bawat isa sa tatlong bahagi ng kapahayagan ni Mikas laban sa Samaria at sa Jerusalem? (Mikas 1:2; 3:1; 6:1)
12. Sino ang may pananagutan sa pagpaslang sa panganay na anak na lalaki ni David na si Amnon subalit nang maglaon ay pinatawad ni David? (2 Samuel 13:32, 33)
13. Bakit ‘hinamak ni Mical si David sa kaniyang puso,’ anupat humantong ito sa hindi niya pagkakaroon ng anak hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan? (2 Samuel 6:14-16, 20-23)
14. Sa anong pangyayari iniuugnay ng Bibliya ang Armagedon? (Apocalipsis 16:14, 16)
15. Sa Listra, bakit biglang nagbago ang mga pulutong mula sa pagtatangkang maghain kay Pablo tungo sa pagbato sa kaniya? (Gawa 14:19)
16. Ano ang ginawa ni Pedro samantalang sinisikap na ipagsanggalang si Jesus mula sa mga sundalong dumating upang dakpin siya? (Juan 18:10)
17. Sa ikatlong pagtukso sa ilang, ano ang sinikap ng Diyablo na ipagawa kay Jesus? (Mateo 4:9)
18. Anong sangkap ang ginagamit sa Bibliya upang tumukoy sa kasalanan o katiwalian? (Mateo 16:6)
19. Ang karunungan ni Solomon ay sinasabing nakahihigit sa karunungan ng sinu-sinong mga ibang tao? (1 Hari 4:31)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Isang dakong libingan ng pamilya
2. Ang hamog at balahibo
3. Isang kastilyo
4. “Isang opisyal na kasuutan mula sa Sinar” kasama ng ilang pilak at ginto
5. “Isang laman”
6. Panghuhula, mahiko, paghahanap ng mga tanda, panggagaway, panggagayuma sa pamamagitan ng engkanto, pagsangguni sa espiritista, mga hula na ibinigay ng espiritu, at iba pa
7. Nagdaos siya ng isang malaking piging, nagkaloob ng amnestiya sa kaniyang nasasakupang distrito, at nagbigay ng mga regalo
8. “Mga tudlaan ng pagkapoot”
9. Si Cozbi, ang anak na babae ni Zur
10. “Isang asawang babae na may kakayahan”
11. “Dinggin ninyo”
12. Ang ikatlong anak na lalaki ni David, si Absalom
13. Tinutulan niya ang ‘paglukso at pagsayaw ni David sa harap ni Jehova’ bilang pagpapamalas nito ng kagalakan
14. “Digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat”
15. Dumating ang mga Judio mula sa Antioquia at Iconio at hinikayat silang gawin iyon
16. Hinugot niya ang kaniyang tabak at tinaga ang alipin na si Malco, anupat naputol ang kanang tainga nito
17. “Isang gawang pagsamba” sa kaniya
18. Lebadura (pampaalsa)
19. Etan, Heman, Calcol, at Darda