Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Isang Sagot sa Panalangin”

“Isang Sagot sa Panalangin”

“Isang Sagot sa Panalangin”

Ganiyan inilarawan ng isang ina na may siyam-na-taóng-gulang na anak na lalaki ang paglalabas ng aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro sa isang pandistritong kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa Ireland. “Napaluha ako!” ang bulalas niya. “Talagang naging pagpapala ito sapagkat noong nakaraang linggo lamang ay nabahala ako dahil hindi ko alam kung anong publikasyon ang gagamitin ko para ipakipag-aral sa aking anak.

“Nanalangin ako kay Jehova,” ang paliwanag ng babae, “na tulungan akong ituro sa kaniya ang mas malalalim na katotohanan sa Bibliya sa simpleng paraan na kawili-wili, pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Kaya isang sagot sa panalangin nang matanggap ko ang maganda at maraming larawang aklat na ito.”

Gayundin ang isinulat ng isang ina na may limang anak sa California, E.U.A. “Nang pabalik na kami sa otel mula sa kombensiyon,” ang sabi niya, “nakita ko ang aking tatlong pinakabatang mga anak na nagbabasa, nagtitingin-tingin, at nag-uusap-usap tungkol sa kung ano ang nakaakit sa kanila sa mga pahina ng Matuto Mula sa Dakilang Guro.”

Sinabi niya: “Talagang tuwang-tuwa ako nang tanggapin ko ang regalong ito mula kay Jehova​—katulad ito ng pagsisilang ng isang sanggol, kasal, bautismo, pribilehiyo na tinanggap mula sa Maylalang ng uniberso. Natitiyak ko na kung minsan ang mga luha ng kagalakan ang nagpapahayag ng mga bagay na hindi natin masabi sa ating maibiging Ama, si Jehova.”

Baka gayundin ang iyong madama kapag sinuri at pinag-aralan mo ang aklat na ito na may magagandang larawan at 256 na pahina na kasinlaki ng magasing ito. Maaari kang humiling ng isang kopya kung pupunan mo ang kasamang kupon at ihuhulog sa adres na inilaan o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.