Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Yari sa ano ang may-ukit na mga tuntungan para sa pundasyon ng tabernakulo? (Exodo 26:19-32)
2. Inihula ni Jesus na ikakaila siya ni Pedro nang ilang beses? (Mateo 26:75)
3. Ano ang tatlong katangian na siyang magiging pagkakakilanlan ng kongregasyong Kristiyano pagkatapos maglaho ang makahimalang mga kaloob ng espiritu? (1 Corinto 13:13)
4. Bakit kamangmangan ang sumamba sa mga idolo? (Awit 115:4-8)
5. Ano ang ipinayo ni Pablo sa mga babaing Kristiyano hinggil sa pananamit? (1 Timoteo 2:9, 10)
6. Bakit itinuring ni Pablo ang kaniyang sarili bilang “ang pinakamababa sa mga apostol”? (1 Corinto 15:9)
7. Anong sandata ang ginamit ni Samson upang patayin ang 1,000 lalaking Filisteo? (Hukom 15:15)
8. Sa loob ng maraming siglo, anong insekto ang kinakain sa Gitnang Silangan? (Levitico 11:22)
9. Sa loob ng dalawang magkasunod na araw, anong paghahayag ang ginawa ni Juan na Tagapagbautismo hinggil kay Jesus? (Juan 1:29, 35, 36)
10. Dahil sa masusumpungan ito sa kaloob-loobang bahagi ng katawan, anong mga sangkap ang ginagamit ng Bibliya upang kumatawan sa pinakamalalalim na kaisipan at damdamin ng isang tao? (Apocalipsis 2:23)
11. Sa pagsisiwalat kay Juan, sino ang nakaupo sa palibot ng trono ni Jehova? (Apocalipsis 4:4)
12. Anong binhi ang inilarawan ni Jesus bilang ang “pinakamaliit sa lahat ng mga binhi na nasa lupa”? (Marcos 4:31)
13. Nang marating ni Pablo ang Atenas sa kaniyang ikalawang paglalakbay bilang misyonero, sinong dalawang lalaki ang hiniling niyang ‘pumaroon sa kaniya sa lalong madaling panahon’? (Gawa 17:15)
14. Sino ang pangunahing Kaaway ng Diyos? (Job 1:6)
15. Sino ang nagkamaling sumaway sa matuwid na si Hana dahil napagkamalan itong lasing? (1 Samuel 1:12-16)
16. Sino ang “walang-kabuluhang lalaki” na naghimagsik laban kay David at nagpakilos sa lahat ng lalaki ng Israel, maliban sa mga nasa Juda, na maghimagsik kasama niya? (2 Samuel 20:1, 2)
17. Sa halip na ang makahimalang inilaang manna, anong mga pagkain sa Ehipto ang hinangad kainin ng mga Israelita sa ilang? (Bilang 11:5)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Pilak
2. Tatlo
3. Pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig
4. Wala silang buhay, gawa ng tao
5. Ito’y dapat na maging maayos at mahinhin, “sa paraan na angkop sa mga babae na nag-aangking nagpipitagan sa Diyos”
6. Sapagkat “pinag-usig [niya] ang kongregasyon ng Diyos”
7. “Sariwang panga ng lalaking asno”
8. Balang
9. “Tingnan ninyo, ang Kordero ng Diyos!”
10. Mga bato
11. Nakita ni Juan ang 24 na matatanda, na lumalarawan sa pinahirang mga tagasunod-yapak ni Jesus sa kanilang makalangit na posisyon
12. “Butil ng mustasa”
13. Silas at Timoteo
14. Satanas
15. Mataas na saserdoteng si Eli
16. Sheba
17. Isda, pipino, pakwan, puero, sibuyas, at bawang