‘Isang Magasing Tinutunaw’
‘Isang Magasing Tinutunaw’
SI David ay isang estudyanteng nag-aaral ng abogasya sa Obafemi Awolowo University sa Nigeria. Kamakailan, sumulat siya sa lokal na tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova: “Regular kong dinadalhan ng Gumising! ang isang kagalang-galang na 70-taóng-gulang na propesor ng abogasya sa aming departamento sa unibersidad. Isang umaga, pagkatapos matanggap ang bagong mga isyu, sinabi niya sa isang panauhin sa kaniyang opisina: ‘Ang ilang aklat ay tinitikman, ang iba’y nilulunok, at ang ilan ay nginunguya at tinutunaw. Ang Gumising! ay isang magasing nginunguya at tinutunaw.’”
Sa isa pang pagkakataon, pag-alis niya sa opisina ng propesor, sinabi ni David na kaniyang naulinigan na inirerekomenda nito ang Gumising! sa isa pang panauhin. “Lubhang pinapurihan niya ang kahusayan ng pagsasaliksik sa paghahanda ng Gumising! at ang timbang ngunit matapang na pagtalakay nito sa mga usapin. Narinig kong sinabi niya: ‘Binabasa kong mabuti ang mga magasin. Malamang na ang Diyos ang nagbibigay ng karunungan sa mga manunulat nito upang makapagsulat ng gayong kamangha-manghang mga artikulo.’”
Nakapagtuturo at maraming paksang tinatalakay ang Gumising! Higit sa lahat, nililinang nito ang pagtitiwala sa pangako ng Maylalang na makikita sa Bibliya hinggil sa isang mapayapang bagong sanlibutan na siyang papalit sa kasalukuyang sistema ng mga bagay. Itinatampok ng 32-pahinang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? ang layuning iyan ng Diyos, anupat naglalaan ng impormasyong mula sa Bibliya upang ipakita kung ano ang kailangan nating gawin upang matamo ang kaniyang pagsang-ayon. Maaari kang humiling ng isang kopya ng brosyur na ito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa adres na ipinakita sa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
Ilagay kung anong wika.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.