Kapag Wala Nang Makadaramang Muli ng Kalungkutan Kailanman
Kapag Wala Nang Makadaramang Muli ng Kalungkutan Kailanman
BINABANGGIT ng ulat sa Genesis 2:18 na nang lalangin ang unang tao, “sinabi ng Diyos na Jehova: ‘Hindi mabuti para sa lalaki na manatiling nag-iisa. Gagawa ako ng isang katulong para sa kaniya, bilang kapupunan niya.’ ” Ang mga tao ay nilalang upang makisama sa iba at umasa sa kanila.
Ang maaari nating maging pinakamatalik na Kaibigan ay ang Diyos na Jehova. Kinilala ni apostol Pablo si Jehova bilang ‘ang Ama ng magiliw na kaawaan at ang Diyos ng buong kaaliwan, na umaaliw sa atin sa lahat ng ating kapighatian.’ (2 Corinto 1:3, 4) Si Jehova mismo ay nalulungkot sa pagdurusa ng sinuman sa kaniyang mga lingkod. Siya ang Diyos ng empatiya. “Nalalaman niyang lubos ang kaanyuan natin, na inaalaalang tayo ay alabok.” (Awit 103:14) Hindi ka ba naaakit sa Diyos na Jehova at nagpapasalamat sa kaniyang maibigin, mabait, at maunawaing atensiyon?
Inaalalayan ni Jehova ang mga Nalulungkot
Marami sa mga lingkod ng Diyos noon ang dumanas ng mga kalagayang naging dahilan ng kanilang kalungkutan. Para sa kanila, si Jehova ang pinagmumulan ng pag-alalay at kaaliwan. Kuning halimbawa si Jeremias, na tinawag upang maging propeta noong kaniyang kabataan. Sa 40 manunulat ng Kasulatan, si Jeremias na marahil ang may pinakamaraming nasabi tungkol sa kaniyang personal na niloloob. Nakadama siya ng pangingimi at pagiging di-karapat-dapat nang tumanggap siya ng una niyang atas mula sa Diyos. (Jeremias 1:6) Upang maisagawa ito, kinailangan niyang lubusang umasa kay Jehova. Tunay na si Jehova ay sumasakaniya “gaya ng isang kahila-hilakbot na makapangyarihan.”—Jeremias 1:18, 19; 20:11.
1 Hari 19:4, 9-12, 15-18) Kung, gaya ni Elias, nakadarama tayo ng kalungkutan o kawalang-halaga, tayo rin ay makapananalangin kay Jehova na palakasin sana tayo. Gayundin, sa pamamagitan ng kaunawaan, ang Kristiyanong matatanda ay makapagsasalita nang may pang-aliw sa mga tapat, anupat tinutulungan silang makita ang kanilang papel sa pagsasakatuparan ng layunin ng Diyos.—1 Tesalonica 5:14.
Mga 300 taon bago si Jeremias, nang mabalitaan ni Reyna Jezebel ang pagkamatay ng mga propeta ni Baal, isinumpa niya na kaniyang ipapapatay si Elias. Tumakas si Elias patungong Horeb sa Peninsula ng Sinai na mga 450 kilometro ang layo. Doon ay pumasok siya sa isang yungib upang magpalipas ng gabi, at tinanong siya ng Diyos na Jehova: “Ano ang ginagawa mo rito, Elias?” Ipinaliwanag ni Elias na pakiramdam niya’y tanging siya na lamang ang sumasamba kay Jehova sa buong Israel, ang kaisa-isang natirang propeta na masigasig para sa paglilingkod sa Diyos. Tiniyak sa kaniya ni Jehova na hindi siya nag-iisa. Si Jehova ay sumasakaniya, at 7,000 sa mga kasamahang Israelita ni Elias ay nakikiisa rin sa kaniya, bagaman hindi niya ito alam. Inaliw ni Jehova si Elias at pinatibay ang kaniyang pananampalataya. Pinasigla niya ang puso ni Elias, anupat pinalakas ang propeta na huwag iwan ang kaniyang atas. (Mula rito at sa iba pang mga halimbawa, makikita natin ang pagnanais ni Jehova na magbigay ng suporta at maibiging kaaliwan sa mga nalulungkot. Oo, “si Jehova ay magiging matibay na kaitaasan para sa sinumang nasisiil, isang matibay na kaitaasan sa mga panahon ng kabagabagan.”—Awit 9:9; 46:1; Nahum 1:7.
Isang Lalaking May Masidhing Damdamin at Pakikiramay
Si Jesu-Kristo ay isang halimbawa na dapat hangaan dahil sa kaniyang napakatimbang na emosyon bilang pagtulad kay Jehova. Inilarawan ni Lucas ang reaksiyon ni Jesus nang masalubong ang isang prusisyon ng libing sa lunsod ng Nain: “Isang taong patay ang inilalabas, na bugtong na anak na lalaki ng kaniyang ina. . . . Nang makita siya ng Panginoon, siya ay nahabag sa kaniya, at sinabi niya sa kaniya: ‘Huwag ka nang tumangis.’ Lucas 7:12-15) Napukaw ang emosyon ni Jesus. Siya ay isang taong mahabagin. Isip-isipin na lamang ang kaligayahang idinulot ni Jesus sa nalulungkot na balo nang ibalik ang anak niya sa kaniya! Hindi na siya malungkot.
Sa gayon ay lumapit siya at hinipo ang langkayan, at ang mga tagapagdala ay huminto, at sinabi niya: ‘Binata, sinasabi ko sa iyo, Bumangon ka!’ At ang taong patay ay umupo at nagsimulang magsalita, at ibinigay niya siya sa kaniyang ina.” (Makatitiyak tayo na si Jesus ay ‘makikiramay sa ating mga kahinaan.’ Tiyak na nakikiramay siya sa mga matuwid na taong nalulungkot. Sa katunayan, dahil sa kaniya ay ‘makapagtatamo tayo ng awa at makasusumpong ng di-sana-nararapat na kabaitan bilang tulong sa tamang panahon.’ (Hebreo 4:15, 16) Sa pagtulad kay Jesus, makadarama tayo ng pakikiramay sa mga dumaranas ng pamimighati, paghihirap, at kalungkutan. Sa pagtulong sa iba, mas malamang na hindi tayo makadama ng kalungkutan. Subalit may isa pang paraan upang tumanggap ng tulong sa pagdaig sa negatibong damdamin ng kalungkutan.
Makatutulong sa Atin ang Salita ni Jehova sa Pagdaig sa Kalungkutan
Nasumpungan ng marami na ‘sa pamamagitan ng kaaliwan mula sa Kasulatan ay nagkakaroon tayo ng pag-asa.’ Ang Salita ng Diyos ay punô ng praktikal na mga payo na makatutulong sa atin upang madaig ang kalungkutan. (Roma 15:4; Awit 32:8) Halimbawa, pinapayuhan tayo ng Salita ng Diyos na ‘huwag mag-isip nang higit tungkol sa ating sarili kaysa sa nararapat isipin.’ (Roma 12:3) Upang maikapit ang payong ito, baka kailangan nating baguhin ang ating pag-iisip. Ang kapakumbabaan at kahinhinan—ang pagtataglay ng makatotohanang pangmalas sa ating mga limitasyon—ay tiyak na tutulong sa atin na magkaroon ng timbang at makatuwirang mga inaasahan. Pinapayuhan din tayo ng Salita ng Diyos na magkaroon ng tunay na interes sa kapakanan ng iba. (Filipos 2:4) Ito ay isang daan na may dalawang patunguhan. Kapag nagpakita ka ng interes sa iba, pagpapakitaan ka rin ng interes ng iba. Ang ganitong mabuting pagsasamahan ay tumutulong upang maibsan ang pangungulila at nagbibigay ito ng kahulugan sa ating buhay.
Hinihimok tayo ng Bibliya bilang mga Kristiyano na ‘huwag pabayaan ang ating pagtitipon.’ (Hebreo 10:24, 25) Kaya makibahagi sa paggawa ng positibong mga gawain, gaya ng pagdalo nang regular sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova. Walang-alinlangang makatutulong ang Kristiyanong mga pagpupulong sa ating espirituwal, emosyonal, at pisikal na kapakanan. Ang pakikipag-usap sa iba tungkol sa mabuting balita ng Kaharian ng Diyos ay isang nakasisiyang paraan ng pagpuno sa ating buhay ng kapaki-pakinabang na gawain. Pinananatili nitong nakatutok ang ating isip sa tamang direksiyon, pinatitibay ang ating pananampalataya, at iniingatan ang ating pag-asa.—Efeso 6:14-17.
Lumapit kay Jehova sa panalangin. Nagpayo si David: “Ihagis mo ang iyong pasanin kay Jehova, at siya ang aalalay sa iyo.” (Awit 55:22) Sa pag-aaral ng Salita ng Diyos, makadarama ka ng kaligayahan. (Awit 1:1-3) Kapag nadaraig ka ng kalungkutan, bulay-bulayin ang maibiging pangangalaga ni Jehova gaya ng isinisiwalat ng kaniyang Salita. Sumulat ang salmista: “Ang aking kaluluwa ay dumikit na sa mismong alabok. Ingatan mo akong buháy ayon sa iyong salita.”—Awit 119:25.
Kapag Wala Nang Magsasabing, “Nalulungkot Ako”
Pinangakuan tayo ng Diyos na Jehova ng isang bagong sanlibutan na walang kabalisahan, kabiguan, at negatibong mga damdamin. Ang Bibliya ay nagsasabi: “Papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.” (Apocalipsis 21:4) Oo, kabilang sa mga bagay na lilipas ay ang pisikal, mental, at emosyonal na mga kirot na dinaranas natin sa ngayon.
Ang lupa ay mapupuno ng palakaibigang mga tao, na magpapayaman sa ating buhay. Papawiin ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang makalangit na Kaharian sa kamay ni Jesu-Kristo ang ating kalungkutan magpakailanman. Bibigyan niya tayo ng bago at kamangha-manghang mga bagay na gagawin sa isang paraisong lupa. Malapit nang dumating ang araw na hindi na tayo kailanman magsasabing, “Nalulungkot ako.”
[Larawan sa pahina 8, 9]
Sa pag-alalay ni Jehova, hindi tayo makadarama ng kalungkutan, kahit nag-iisa
[Mga larawan sa pahina 10]
Ano ang itinuturo sa atin ng mga ulat sa Bibliya tungkol kina Jeremias at Elias?