Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Isang Ina na May Mabuting Pagpapasiya

Isang Ina na May Mabuting Pagpapasiya

Isang Ina na May Mabuting Pagpapasiya

Ang isang ina na may mabuting pagpapasiya at nagmamalasakit sa mga pangangailangan ng kaniyang mga anak ay puspusang nagsisikap upang bigyan sila ng masustansiyang pisikal na pagkain. Nagpapakita siya ng gayunding kasipagan sa pagbibigay ng espirituwal na panustos.

Kamakailan, sumulat ang isang babaing taga-Brazil, sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa bansang iyon na nagpapahayag ng pagpapahalaga niya sa publikasyong Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? “Labis akong naantig ng brosyur na ito,” ang sulat niya. “Sa pagsulyap sa aralin hinggil sa mga gawain na hindi sinasang-ayunan ng Diyos, agad akong nagpasiya na dapat kong ibahagi ang mahalagang impormasyong ito sa aking mga anak​—dalawang babae, edad 10 at 11, at isang 5-taóng-gulang na lalaki.” Sinabi pa niya: “Napakahalaga nga na magkaroon ng literaturang gaya nito upang ituro sa aking pamilya ang tungkol sa mga daan ng Diyos!”

Humiling din siya ng karagdagang mga publikasyon na salig sa Bibliya. Kung naghahangad ka rin ng espirituwal na pagkain, para sa iyong sarili at sa mga miyembro ng iyong pamilya, maaari kang tumanggap ng isang kopya ng Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Punan lamang ang kupon na nasa ibaba at ihulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.