Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

‘Tinutulungan Ako Nito na Magbata sa Ilalim ng Pagsubok’

‘Tinutulungan Ako Nito na Magbata sa Ilalim ng Pagsubok’

‘Tinutulungan Ako Nito na Magbata sa Ilalim ng Pagsubok’

Ganiyan inilarawan ng isang mambabasa sa Connecticut, E.U.A., ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. “Unti-unti ko itong pinag-aaralan araw-araw,” ang sabi niya. “Sa mga araw na nahihirapan ako kahit huminga man lamang dahil sa depresyon, tinutulungan ako ng maikling pag-aaral na magbata sa ilalim ng pagsubok.”

Nagpatuloy siya: “Ang larawan ng magiliw na pastol sa pahina 69 ay nakapagpasigla sa akin. At pinahahalagahan ko ang punto sa pahina 28, sa parapo 8, hinggil sa karanasan ni Moises sa nagniningas na palumpong nang ‘maging ang lugar sa palibot nito ay naging banal dahil sa koneksiyon nito kay Jehova!’ Kung kaya ni Jehova na gawing banal maging ang lupa, marahil may kaunting pag-asa pa ako. Napakalaki nang naitulong ng kaisipang ito sa akin dahil napapaharap ako sa pabalik-balik na depresyon.”

Naniniwala kaming makikinabang ka kung babasahin mo ang aklat na ito, Maging Malapít kay Jehova, na may 320 pahina at malambot na pabalat. Maaari kang humiling ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa inilaang adres o sa angkop na adres na nasa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Maging Malapít kay Jehova.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.