Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 22. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Sino ang mataas na saserdote nang maging propeta si Samuel? (1 Samuel 3:10-13)
2. Ano ang pangalang Amorita para sa Bundok Hermon? (Deuteronomio 3:9)
3. Sino ang kinuha ni Abraham bilang kaniyang ikalawang asawa, at ilan ang naging anak na lalaki niya rito? (Genesis 25:1, 2)
4. Bakit hindi kailanman inilalagay ang bagong alak sa lumang mga sisidlang balat? (Lucas 5:37)
5. Ano ang nangyari sa tabak na ginamit ni Ehud sa pagpatay sa mapaniil na si Haring Eglon ng Moab? (Hukom 3:16-22)
6. Bakit tinawag si Jesus na “ang Punong Ahente ng buhay”? (Gawa 3:15; 4:12)
7. Bakit si Jehova lamang ang maaaring tawaging sakdal sa ganap na diwa? (2 Samuel 22:31; Marcos 10:18)
8. Hinggil sa mga haing hayop, bakit “ang lahat ng taba ay kay Jehova”? (Levitico 3:9-16)
9. Anong malakas na ibong maninila ang kilala dahil sa kakayahan nitong makakita nang malinaw mula sa malayo? (Job 39:27, 29)
10. Anong titulo ang ginagamit sa Bibliya upang tumukoy kay Jehova, sa iba pa na sinasamba, at sa mga tao? (Exodo 7:1)
11. Sinong propeta ang ginamit ni Jehova upang ihula kung paano mahahati ang kaharian ni Solomon? (1 Hari 11:29-32)
12. Nang inilalarawan kung paano niya ninais na tipunin ang manhid na mga tao sa Jerusalem, anong inaalagaang ibon ang tinukoy ni Jesus? (Lucas 13:34)
13. Ano ang tinawag ni Jesus na “lampara ng katawan”? (Mateo 6:22)
14. Tiniyak kay Daniel na ang kaniyang hula ay mauunawaan sa anong kapanahunan? (Daniel 12:4)
15. Paano nakatakas si Pablo sa mga Judio sa Damasco na nagpakanang patayin siya? (Gawa 9:25)
16. Ano ang umakay sa ilan upang ‘mailigaw mula sa pananampalataya’ at nagdulot ng “maraming kirot”? (1 Timoteo 6:10)
17. Sa patnubay ni Jehova, gaano karaming tiktik ang isinugo ni Moises sa Canaan, at sinu-sino lamang ang nagbigay ng kaayaayang ulat? (Bilang 13:2; 14:6-9)
18. Sino ang Cesar na binabanggit sa Gawa 25:11, na sa kaniya’y umapela si Pablo ukol sa paghatol nang nililitis siya sa harap ni Festo?
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Eli
2. Senir
3. Ketura; anim
4. Dahil habang kumakasim ang alak, papuputukin nito ang luma at matigas na sisidlang balat
5. Napakataba ni Eglon kung kaya’t bumaon nang husto ang tabak sa loob ng kaniyang tiyan
6. Dahil “walang kaligtasan sa kanino pa man.” Inilaan ang pantubos sa pamamagitan ni Jesus, at siya ang hinirang na Hukom
7. Si Jehova lamang ang walang limitasyon, walang kapantay sa kaniyang kagalingan, karapat-dapat sa lahat ng papuri, at sukdulan sa kaniyang napakahusay na mga katangian at kapangyarihan
8. Yamang itinuturing na pinakamainam na bahagi ng laman ng hayop, sumasagisag ito sa katotohanang ang pinakamaiinam na bahagi ay nararapat kay Jehova
9. Ang agila
10. Diyos
11. Ahias
12. Inahing manok
13. Ang mata
14. “Panahon ng kawakasan”
15. Nang gabing iyon ay ibinaba siya ng kaniyang mga alagad sakay ng basket at pinaraan sa isang butas sa pader
16. “Ang pag-ibig sa salapi”
17. Labindalawa; sina Josue at Caleb
18. Nero