“Binago Po Ako Nito Nang Husto”
“Binago Po Ako Nito Nang Husto”
Iyan ang isinulat ng isang 12-taóng-gulang na batang lalaki mula sa Virginia, E.U.A., tungkol sa bagong aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Sinabi niya na itinuro nito sa kaniya ang ilang bagay na hindi pa niya alam at hindi pa niya narinig kailanman. Ipinaliwanag niya:
“Itinuro po sa akin ng Matuto Mula sa Dakilang Guro na laging ibigin ang Diyos, ipakipag-usap sa lahat ng tao ang tungkol sa kaniya, at makipag-usap sa kaniya sa panalangin. Itinuro rin po nito sa akin na humingi ng tulong at proteksiyon sa Diyos. Nalaman ko po na ang sinumang umiibig sa Diyos at gumagawa ng mga iniuutos ng Diyos ay makakasama sa Paraiso.
“Binago po ako nito nang husto. Parati po akong nagsisinungaling noon, pero nang magsimula akong magbasa ng aklat na ito, huminto na po ako sa pagsisinungaling. Ang mga natutuhan ko sa aklat na ito ay pumukaw sa akin ng pagnanais na magbasa ng mas marami pang aklat na tulad nito. Kaya nagagalak akong magbasa at malaman ang higit pa hinggil sa Diyos.”
Posibleng ganiyan din ang madama mo kapag binasa mo ang aklat na ito na may magagandang larawan at 256 na pahina na kasinlaki ng magasing ito. Masisiyahan ka ring basahin ang mga kabanatang tulad ng “Tinuruan Tayo ni Jesus na Manalangin,” “Isang Aral sa Pagiging Mabait,” “Kung Paano Magiging Maligaya,” at “Kung Bakit Hindi Tayo Dapat Magsinungaling.” Maaari kang humiling ng kopya kung pupunan mo ang kasamang kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nakasaad o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Larawan sa pahina 32]
Nagtuturo ng aral tungkol sa pagsisinungaling