“Kailan Mo Babasahin ang Lahat ng Ito?”
“Kailan Mo Babasahin ang Lahat ng Ito?”
Noong Hulyo 2001, nasumpungan ng isang lalaki sa Khabarovsk sa Dulong Silangan ng Russia ang isang salansan ng 34 na isyu ng Gumising! sa isang aklatan sa lunsod. Hiniram niya ang mga ito, at nang dumating na ang takdang araw para isauli ang mga ito noong Agosto, ayaw pa niyang ibalik ang mga ito. Kaya muli niyang hiniram ang mga ito hanggang Setyembre. Gustung-gusto niya ang mga magasin anupat hiniram niya ulit ang mga ito noong Nobyembre, kasama ang anim na bagong mga isyu.
Bago nito, laging umiiwas ang lalaki sa relihiyosong mga publikasyon. Bakit siya nagsimulang magbasa ng Gumising!? “Sapagkat tinatalakay ng karamihan sa materyal ng magasing ito ang mga suliranin sa lipunan na kawili-wili at nakaaapekto sa lahat,” ang sulat niya.
“Kadalasan, buháy na buháy ang pagkakalahad sa mga ‘paglalakbay’ sa modernong mga lunsod at bansa, pati na ang mga impormasyon hinggil sa mga tradisyon ng mga tao,” ang patuloy ng lalaki. Naakit din siya sa mga artikulo tungkol sa mga taong nagtagumpay sa buhay, nakapagpanatili ng kanilang espirituwal na mga simulain, at tumulong sa iba na makayanan ang kasawian at kasakunaan. Ano ang kaniyang palagay sa magasin? “Talagang masasabi na ang Gumising! ay pinagsama-samang Time, Popular Science, at National Geographic!”
Humiling ang lalaki ng nakalipas na mga isyu ng Gumising! sa wikang Ruso mula noong 1995. Bukod pa sa Gumising!, humiling din siya ng iba’t ibang aklat at brosyur na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. “Baka itanong mo,” ang sulat niya, “ ‘Kailan mo babasahin ang lahat ng ito?’ ” Sinagot niya ang kaniyang sariling tanong sa pagsasabing may panahon siyang magbasa ng kapaki-pakinabang na mga materyal, yamang hindi siya gumugugol ng mahabang oras sa panonood ng telebisyon at paggagalugad sa Internet.
Naglalaman ang Gumising! ng maraming impormasyon hinggil sa kasalukuyang mga pangyayari at nagbibigay ng kaunawaan sa kalutasan ng mga suliranin sa ngayon. Bakit hindi mo hilingan ang mga Saksi ni Jehova na maghatid sa iyo buwan-buwan ng kasalukuyang mga isyu ng Gumising!?
[Larawan sa pahina 31]
Mga Anak—Kung Ano ang Kailangan Nila sa Kanilang mga Magulang
[Larawan sa pahina 31]
Pag-unawa sa mga Mood Disorder
[Larawan sa pahina 31]
Kilala Mo ba ang Diyos sa Pangalan?
[Larawan sa pahina 31]
Ang Bantang Nuklear—Gaano ba Ito Katotoo?
[Larawan sa pahina 31]
Pag-asa—Saan Mo Ito Masusumpungan?
[Picture Credit Line sa pahina 31]
Nuklear na pagsabog: U.S. Department of Energy photograph