Mapa—Pantulong sa Pagbabasa ng Bibliya
Mapa—Pantulong sa Pagbabasa ng Bibliya
Kapag nagbabasa ka ng Bibliya tungkol sa mga tao at mga lugar na nilakbay nila, sinusubukan mo bang ilarawan sa isipan ang rutang tinahak nila o ang lupaing dinalaw nila? Ngayon, sa tulong ng inilathala kamakailang atlas sa Bibliya na ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain,’ maidaragdag mo sa iyong kaalaman ang heograpiya ng Bibliya.
Ganito ang paliwanag ng isang babae sa Ireland na tumanggap ng kopya ng brosyur na ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’: “Tuwing umaga habang nagbabasa ako ng Bibliya, gamit na gamit ko ang aking brosyur. Kawili-wiling taluntunin ang mga nilakbay ng mga tao—ng mga propeta at mga hari—habang inilalarawan sa isipan ang mga hirap sa paglalakbay, ang layo, at ang mga lugar kung saan sila tumira. Nagsusulat ako ng sarili kong maliliit na nota sa mapa habang nagpapatuloy ako sa aking pagbabasa. Nasa Hebreong Kasulatan pa rin ako subalit buong-pananabik kong inaasam ang pagbasa sa Griegong Kasulatan.”
Makahihiling ka ng isang kopya ng 36-na-pahina at makulay na brosyur na pinamagatang ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’ kung pupunan mo ang kasamang kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na inilaan o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain.’
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Agusang libis at pabalat ng brosyur: Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.