Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Alam Mo Ba?

Alam Mo Ba?

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 26. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)

1. Upang idiin sa atin na hindi natin dapat “balikan ang mga bagay na nasa likuran,” sino ang sinasabi ni Jesu-Kristo na dapat nating alalahanin? (Lucas 17:31, 32)

2. Sa talinghaga ni Jesus tungkol sa manghahasik, bakit nalanta ang binhi na sumibol sa mabatong lupa? (Marcos 4:5, 6)

3. Ano ang ipinahihiwatig ng bagay na ang binuhay-muling si Jesus ay uupo sa “kanang kamay” ni Jehova? (Gawa 2:34)

4. Sino ang tanging Shuhita na ang pangalan ay binanggit sa Kasulatan? (Job 8:1)

5. Anong pangalan ang ibinigay ng Diyos kay Jacob nang siya ay mga 97 taóng gulang? (Genesis 32:28)

6. Bagaman napatunayang masuwayin sa Diyos si Saul at tinutugis niya si David, bakit hindi pinatay ni David si Saul nang magkaroon siya ng pagkakataon? (1 Samuel 26:7-11)

7. Bilang katuparan ng salita ni Jehova, anong mga hayop ang lumapa sa balakyot na si Jezebel? (2 Hari 9:36)

8. Anong lugar ang binanggit na unang hinintuan ng mga Israelita sa kanilang paglalakbay patungo sa Dagat na Pula? (Exodo 12:37)

9. Gaya ng pagkasabi ni Santiago, anong anyo ng pagsamba ang “malinis at walang dungis sa pangmalas ng ating Diyos”? (Santiago 1:27)

10. Anong yugto ng panahon ang isiniwalat kay Daniel upang ipakita kung kailan lilitaw at saka papatayin ang Mesiyas? (Daniel 9:24-27)

11. Ano ang sinabi ni Jesus na “ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa” bago dumating ang wakas? (Mateo 24:14)

12. Anu-ano “ang mga gawa ng laman” na humahadlang sa isa na manahin ang Kaharian ng Diyos? (Galacia 5:19-21)

13. Anong kakayahan ni Jehova ang nagpapangyaring mahatulan niya nang wasto ang isang tao? (1 Samuel 16:7)

14. Bago siya pinili upang maging propeta, ano ang trabaho ni Amos? (Amos 7:14)

15. Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sabihin niyang dapat ‘kapootan’ ng kaniyang mga alagad ang mga miyembro ng kanilang pamilya? (Lucas 14:26)

Mga Sagot sa Pagsusulit

1. “Ang asawa ni Lot”

2. Dahil wala itong ugat at sa gayo’y di-makatatagal sa init ng nakapapasong araw

3. Hahawakan ni Jesus ang pinakamahalagang posisyong kasunod ni Jehova mismo

4. Si Bildad, isa sa tatlong kasamahan ni Job

5. Israel

6. Si Saul ay pinahiran ni Jehova, kaya ipinaubaya ni David ang bagay na iyon sa mga kamay ni Jehova

7. Mga aso

8. Sucot

9. “Alagaan ang mga ulila at mga babaing balo sa kanilang kapighatian, at ingatan ang sarili na walang batik mula sa sanlibutan”

10. “Pitumpung sanlinggo”

11. “Ang mabuting balitang ito ng kaharian”

12. “Pakikiapid, karumihan, mahalay na paggawi, idolatriya, pagsasagawa ng espiritismo, mga alitan, hidwaan, paninibugho, mga silakbo ng galit, mga pagtatalo, mga pagkakabaha-bahagi, mga sekta, mga inggitan, mga paglalasingan, mga walang-taros na pagsasaya, at mga bagay na tulad ng mga ito”

13. “Tumitingin siya sa kung ano ang nasa puso”

14. Siya ay “tagapag-alaga ng kawan at tagaputi ng mga igos ng mga puno ng sikomoro”

15. Na hindi dapat nakahihigit ang pagmamahal sa kanila