Ang Talagang Kailangan ng mga Kabataan
Ang Talagang Kailangan ng mga Kabataan
Maraming taon nang sinasabi ng mga mambabasa, mga bata’t matanda, na inilalaan ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas ang talagang kailangang malaman ng mga kabataan. Isang tin-edyer na babae mula sa Sinaloa, Mexico, ang humiling ng sampung kopya ng aklat para sa kaniyang mga kaibigan. Sinabi niya na bagaman hindi siya isang Saksi ni Jehova, talagang gustung-gusto niya ang aklat, na nagpapaliwanag, “Malaki ang paggalang ko sa inyo.”
Binanggit niya: “Marami akong kaibigan na may mga katanungan tungkol sa kanilang buhay ngayon. Ipinakita ko sa kanila ang aklat, at gustung-gusto nila ito. Ekselente ang aklat at narito ang lahat ng bagay na gustong malaman ng isang kabataan.” Tinanong niya kung maaari bang ihatid ang mga aklat bago ang bakasyon ng klase sa tag-araw.
May 39 na kabanata ang aklat na Tanong ng mga Kabataan. Kabilang dito ang: “Papaano Ko Magagawang Mabigyan Ako ng Higit na Kalayaan ng Aking mga Magulang?” “Papaano Ako Magkakaroon ng Tunay na mga Kaibigan?” “Tama Kaya ang Pagsisiping Muna Bago ang Kasal?” at “Papaano Ko Malalaman Kung Ito nga’y Tunay na Pag-ibig?” Makahihiling ka ng isang kopya ng 320-pahinang aklat na ito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na inilaan o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.