“Ang Paglakad na Kasama ng Diyos ay Nagdudulot ng mga Pagpapala Ngayon at Magpakailanman”
“Ang Paglakad na Kasama ng Diyos ay Nagdudulot ng mga Pagpapala Ngayon at Magpakailanman”
KADALASANG sinasabing ang buhay ay parang paglalakbay. Gayunman, gaya ng maraming tao, nadarama mo rin ba na walang direksiyon ang iyong buhay? Nabubuhay tayo sa ilalim ng matitinding panggigipit sa daigdig na ito. Habang lalong nagiging marahas at imoral ang lipunan sa palibot natin, maaaring madama natin na waring hinahampas tayo ng mga puwersang hindi natin makontrol. Sa gayong maligalig na panahon, paano tayo makapananatiling timbang? Paano natin mapananatiling nasa tamang direksiyon ang ating buhay?
Ang Bibliya ay naglalaman ng kahanga-hanga at nakaaaliw na kasagutan. Ipinakikita nito na mayroon tayong kamangha-manghang pagkakataon—maaari tayong lumakad na kasama ng Diyos. Maaaring pagtawanan ng ilan ang ideyang ito. Kung sa bagay, paano nga naman makalalakad ang isang hamak na tao kasama ng Maylalang ng sansinukob na makapangyarihan-sa-lahat? Ipinakikita ng Bibliya na posible ito. Sa katunayan, ang paglakad na kasama ng Diyos ay nangangahulugan ng pagtatamasa ng pinakamainam at pinakamaligayang buhay na posible sa magulong daigdig na ito. Subalit ano ang kasangkot dito? At anu-anong pagpapala ang idinudulot ng gayong landasin?
Ang mga tanong na ito ay sasagutin sa nakaaantig-pusong pahayag na “Ang Paglakad na Kasama ng Diyos ay Nagdudulot ng mga Pagpapala Ngayon at Magpakailanman.” Ang pangmadlang pahayag na ito ay bibigkasin sa mga pandistritong kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova simula sa Nobyembre 19. Sa buong daigdig, daan-daang kombensiyon na katulad nito ang naidaos na at ang ilan ay gaganapin pa. Upang malaman ang lugar na pinakamalapit sa inyo, makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito.