Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kung Paano Magiging Mas Malapít sa Diyos

Kung Paano Magiging Mas Malapít sa Diyos

Kung Paano Magiging Mas Malapít sa Diyos

Inirerekomenda ng maraming tao na basahin ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. Sumulat ang isang mambabasa: “Katatapos ko lamang basahin ito, at ngayon lamang ako naantig nang ganito. Salamat sa lahat ng paalaala na ang ating Amang si Jehova ay talagang maibigin, mapagkalinga, mabait, at mapagmalasakit.”

May isa pang nagpahayag ng nadama niya, at nagpaliwanag: “Binibigyan ako ng aklat na ito ng pagkakataong makilala nang mas matalik ang aking Ama​—ang kaniyang matatayog na kaisipan at malalim na pag-ibig para sa ating lahat. Ito ay para bang pinagmamasdan mo ang iyong hawak na mamahaling diamante, makinang at maganda, na dahan-dahan mong pinaiikot upang suriin ang bawat pitak nito​—ang bawat bagong kabanata ay mas maganda pa kaysa sa nauna.”

Ganito ang sabi ng isa pang babae: “Katatapos ko lamang basahin ang Maging Malapít kay Jehova. Nang nasa huling dalawang parapo na ako, kinailangan kong humintu-hinto at manalangin dahil labis akong nalipos ng pagkamangha at pag-ibig. Gayon na lamang kalalim ang nadama kong pagpapahalaga kay Jehova!”

Naniniwala kaming baka ganiyan din ang madama mo kapag binasa mo ang aklat na ito na may 320 pahina. Maaari kang humiling ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa adres na inilaan o sa angkop na adres sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng Maging Malapít kay Jehova.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.