Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Bagaman nais sanang sulatan ni Judas ang kaniyang mga kapatid na Kristiyano tungkol sa kaligtasang pinanghahawakan nilang lahat, ano sa halip ang nasumpungan niyang kinakailangang gawin? (Judas 3)
2. Saang nayon patungo si Cleopas at ang kaniyang kasama nang samahan sila ng nagkatawang-taong si Jesu-Kristo? (Lucas 24:13-32)
3. Ayon sa ulat ng Bibliya, ano ang ginamit upang maisulat ang Sampung Utos sa dalawang tapyas na bato? (Exodo 31:18)
4. Anu-ano ang mga nasyonalidad ng “maraming asawang banyaga” ni Solomon, na ‘nagkiling ng kaniyang puso upang sumunod siya sa ibang mga diyos’? (1 Hari 11:1, 4)
5. Sa kabila ng maraming himala ni Jesus, ano ang hindi ginagawa noon ng mga kapatid niya may kaugnayan sa kaniya? (Juan 7:5)
6. Bagaman dalawa sa mga anak ni Haring David, sina Absalom at Adonias, ang nakipagsabuwatan upang agawin ang trono sa magkaibang pagkakataon, sino sa dalawa ang muntik nang magtagumpay? (2 Samuel 16:15-22; 1 Hari 1:9-11, 38-53)
7. Gaano kabigat ang makasagisag na mga batong graniso na nahulog nang ibuhos ng ikapitong anghel ang kaniyang mangkok ng galit ng Diyos? (Apocalipsis 16:21)
8. Ano ang kahilingan ng Kasulatan sa mga kabilang sa kongregasyong Kristiyano kapag itiniwalag ang isang miyembro? (1 Corinto 5:11)
9. Sa isang pangitain na nakita ni Ezekiel, sinong huwad na diyos ang tinatangisan ng apostatang mga babaing Hebreo? (Ezekiel 8:14)
10. Bakit hiniling ni Agur, ang manunulat ng Kawikaan kabanata 30, na huwag siyang bigyan “ng karalitaan ni ng kayamanan man”? (Kawikaan 30:8, 9)
11. Anong tanda ang ibinigay kay Hezekias upang tiyakin sa kaniya na pagagalingin siya ni Jehova at na ipagtatanggol Niya ang Jerusalem mula sa mga Asiryano? (Isaias 38:5-8)
12. Ano ang ginawa ng mapagkawanggawang Samaritano sa binugbog at halos patay nang lalaki na natagpuan niya sa daang patungo sa Jerico? (Lucas 10:34)
13. Anong uri ng kagayakan sa ulo ang iniutos na isuot ng matataas na saserdote ng Israel? (Exodo 28:37)
14. Bakit sinabi ni Abraham, sa dalawang pagkakataon, na kapatid niya si Sara? (Genesis 12:19; 20:2)
15. Ano ang pangalan ng mga bundok kung saan ipinahayag ang mga pagpapala sa pagsunod sa Kautusan ng Diyos at ang mga sumpa sa paglabag dito? (Deuteronomio 11:29)
16. Anong lunsod ang tahanan ng unang hari ng Israel na si Saul? (1 Samuel 10:24-26)
17. Ano ang pangalan ng haring naghagis kay Daniel sa yungib ng mga leon? (Daniel 6:9, 16)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Payuhan sila “na puspusang makipaglaban ukol sa pananampalataya”
2. Emaus
3. “Daliri ng Diyos”
4. “Moabita, Ammonita, Edomita, Sidonio at Hiteo”
5. “Nananampalataya”
6. Absalom
7. Isang talento (mga 20 kilo)
8. Huwag makipagsamahan sa gayong indibiduwal
9. Tamuz
10. Upang hindi siya makontento sa sarili at ikaila si Jehova o magnakaw at lapastanganin ang pangalan ng Diyos
11. Umatras nang sampung baytang sa hagdan ni Ahaz ang anino ng araw
12. Nilanggas at tinalian niya ang mga sugat ng lalaki, dinala ito sa isang bahay-tuluyan, at inalagaan ito
13. Isang turbante
14. Dahil maganda si Sara, nangamba si Abraham na baka patayin siya ni Paraon at ni Haring Abimelec para kuning asawa si Sara
15. Bundok Gerizim (mga pagpapala); Bundok Ebal (mga sumpa)
16. Gibeah
17. Dario