Tulong sa Paglutas ng mga Problema sa Pamilya
Tulong sa Paglutas ng mga Problema sa Pamilya
Isang babae sa Veracruz, Mexico, ang binigyan ng isang magasing Gumising! na tumatalakay sa problema ng kaniyang pamilya. “Naging interesadung-interesado ako rito,” ang sulat niya, “dahil naiuugnay ko ang aking sarili sa paksa.” Ganito pa ang sinabi ng kaniyang liham sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova: “Makatutulong sa akin at gayundin sa aking asawa at mga anak ang impormasyong ito.”
Isinusog pa ng babae ang kahilingang ito: “Nais kong makaalam nang higit pa hinggil sa mga Saksi ni Jehova at malaman ang kinaroroonan ng pinakamalapit na kongregasyon. Gusto kong dumalo kasama ng aking pamilya dahil naniniwala akong kailangan naming maging lalong malapít sa Diyos.” Ang aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya ay itinampok sa huling pahina ng isyu ng Gumising! na lubhang hinangaan ng babae. Kaya humiling siya ng isang kopya ng aklat.
Sa aklat na iyon, may mga paksa para sa bawat miyembro ng pamilya—mga asawang lalaki, asawang babae, magulang, anak, lolo’t lola—oo, para sa lahat. Kabilang sa nakapagtuturong mga kabanata nito ang “Sanayin ang Iyong Anak Mula sa Pagkasanggol,” “Tulungan ang Iyong Anak na Tin-edyer na Sumulong,” “Ipagsanggalang ang Iyong Pamilya sa mga Mapaminsalang Impluwensiya,” at “Panatilihin ang Kapayapaan sa Inyong Sambahayan.”
Makahihiling ka ng isang kopya ng aklat na ito kung pupunan mo at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.