Naapektuhan Nito ang Buhay ng Batang Ito
Naapektuhan Nito ang Buhay ng Batang Ito
Ilang taon na ang nakalilipas nang si Savinien, isang batang siyam na taóng gulang mula sa isang maliit na bayan sa Pennsylvania, E.U.A., ay sumulat ng isang liham na nagpapahayag ng pagpapahalaga sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Ipinaliwanag ng bata na katatapos lamang niyang basahin ang aklat, na punô ng mga larawang nagtatampok ng mga tauhan at mga pangyayari sa Bibliya.
“Sa palagay ko po,” ang isinulat niya sa mga tagapaglathala ng aklat, “dapat ninyong ipagpatuloy ang paglilimbag ng aklat na ito upang patuloy pong mapasigla ang mga batang tulad ko na matuto nang higit pa tungkol sa Bibliya.
“Natutuhan ko po sa aklat na ito na totoo ang lahat ng bagay na nasa Bibliya, at isinulat ito upang turuan tayo at magkaroon ng pag-asa sa hinaharap.
“Hindi ko po ito malalaman kung hindi kayo nagpakita ng interes sa aming mga kabataan at kung hindi po ninyo pinasimple ang impormasyong ito upang mas madali namin itong maunawaan.”
Ano na ang nagawa ninyo upang pasiglahing matuto ang inyong anak? Maaari kayong humiling ng isang kopya ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, isang aklat na may 256 na pahina at 116 na kuwento na nagtatampok ng mga tauhan at mga pangyayari sa Bibliya. Punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na ipinakikita sa kupon o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.