Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kung Paano Magiging Kaibigan ng Diyos

Kung Paano Magiging Kaibigan ng Diyos

Kung Paano Magiging Kaibigan ng Diyos

◼ Iyan ang itinuturo sa atin ng 32-pahinang brosyur na Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos! Kasama sa kawili-wiling mga aralin nito ang “Inaanyayahan Ka ng Diyos na Maging Kaibigan Niya” at “Ang Diyos ang Maaari Mong Maging Pinakamabuting Kaibigan Kailanman.” Dinisenyo ang brosyur upang tulungan ang mambabasa na matutuhan ang saligang mga turo ng Bibliya.

Sa aralin nito na “Mabubuhay sa Paraiso ang mga Kaibigan ng Diyos,” malinaw na ipinaliliwanag ng brosyur ang layunin ng Diyos sa ating lupa. Gayunman, upang matamasa ang Paraisong ipinangangako sa Bibliya, dapat nating matutuhan kung paano nais ng Diyos na paglingkuran natin siya. Ang mga araling gaya ng “Kung Paano Masusumpungan ang Tunay na Relihiyon” at “Itakwil ang Huwad na Relihiyon!” ay tutulong sa iyo na maging kaibigan ng Diyos at tamasahin ang kaniyang paglingap. Natitiyak naming masisiyahan ka sa pagbabasa sa brosyur na ito.

Upang makahiling ng isang kopya, punan lamang ang kupon na ito at ihulog sa koreo sa adres na inilaan o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.