Wala Nang Takot—Posible Kaya Ito?
Wala Nang Takot—Posible Kaya Ito?
MAAARI bang lubusang mawala ang takot ng sinumang nabubuhay sa mapanganib na daigdig sa ngayon? Halos imposible. Maging ang mga taong may pananampalataya sa Diyos ay napapaharap sa nakababahalang mga panganib. Halimbawa, noong unang siglo C.E., binanggit ni apostol Pablo, na malawak nang nakapaglakbay, na dumanas siya ng pagkawasak ng barko, mga panganib sa mga ilog, mga panganib sa mga tulisan, at mga panganib sa lunsod. (2 Corinto 11:25-28) Gayundin naman sa ngayon, napapaharap ang karamihan sa atin sa mapanganib na mga kalagayan.
Gayunman, maaari tayong mag-ingat, at sa pag-iwas sa mga panganib, maaari nating ibsan ang ating mga kabalisahan. Sinasabi ng Bibliya: “Matalino ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli, ngunit ang mga walang-karanasan ay dumaraan at daranas ng kaparusahan.” (Kawikaan 22:3) Anu-ano ang praktikal na mga hakbang na maaaring gawin?
Pag-iingat
Kapansin-pansin na bagaman matagal nang isinulat ang Bibliya, marami itong simulain na praktikal pa rin para makaiwas sa mga panganib sa ngayon. Halimbawa, sinasabi nito: “Kung tungkol sa marunong, ang kaniyang mga mata ay nasa kaniyang ulo; ngunit ang hangal ay lumalakad sa ganap na kadiliman.” (Eclesiastes 2:14) Katalinuhan na alamin kung sinu-sino ang nasa paligid mo at umiwas sa madidilim na lugar hangga’t maaari. Baka maaaring maglakad ka pauwi sa mga lansangang may pinakamaraming ilaw, kahit na mangahulugan ito ng mas mahabang paglalakad. Sinasabi rin ng Bibliya: “Ang dalawa ay mas mabuti kaysa sa isa . . . Kung may makapananaig sa nag-iisa, ang dalawang magkasama ay makapaninindigan laban sa kaniya.” (Eclesiastes 4:9, 12) Kung nakatira ka sa mapanganib na lugar, maisasaayos mo bang maglakad ka pauwi nang may kasama?
Kapag hinoldap ka, isang katalinuhang tandaan na mas mahalaga ang buhay kaysa sa mga pag-aari. (Mateo 16:26) Tandaan din na kapag nagkakatipun-tipon ang mga karamihan upang ipahayag ang kanilang galit, mapanganib sila at hindi mo alam ang maaari nilang gawin.—Exodo 23:2.
Genesis 39:12) Kung imposibleng umalis, maaari mong sabihin: “Ihinto mo iyan!” o “Huwag mo akong hawakan!” o “Hindi ko gusto ang ganiyang usapan.” Hangga’t maaari, iwasan mo ang mga lugar kung saan laganap ang panliligalig.
Kung nililigalig ka ng isang taong nagpapahiwatig ng imoral na mga bagay, nagsasabi ng mahahalay na biro, o nagtatangkang hipuan ka, pinakamainam nang matatag na tanggihan siya. Baka kailanganin mong umalis, gaya ng ginawa ni Jose nang sunggaban siya ng isang imoral na babae. Siya ay “tumakas at pumaroon sa labas.” (Pagharap sa Takot sa Tahanan
Ano ang maaari mong gawin kung natatakot ka sa iyong marahas na asawang lalaki? Baka isang katalinuhang planuhin ang iyong pagtakas kung sakaling ang ikinikilos ng iyong asawa ay biglang magsapanganib ng iyong kalusugan o buhay o niyaong sa mga anak mo. * Inilalahad ng Bibliya kung paano maingat na nagplanong tumakas si Jacob sakaling maging marahas ang kaniyang kapatid na si Esau. Ayon sa kinalabasan, hindi naman kinailangan ang plano, subalit matalinong pag-iingat iyon. (Genesis 32:6-8) Maaaring kasama sa planong pagtakas ang paghahanap ng taong kukupkop sa iyo sa kagipitan. Maaari mong ipakipag-usap sa taong iyon ang magiging mga pangangailangan mo. Makabubuti rin ang paglalagay ng mahahalagang dokumento at iba pang bagay sa iisang lugar kung saan madaling makuha ang mga ito.
Maaari mo ring pag-isipang isuplong sa mga may kapangyarihan ang pang-aabuso ng iyong asawa at humingi ng kanilang proteksiyon. * Itinuturo ng Bibliya na dapat harapin ng lahat ang ibubunga ng kanilang mga iginagawi. (Galacia 6:7) Tungkol sa mga may awtoridad sa pamahalaan, sinasabi ng Bibliya: “Ito ay lingkod ng Diyos sa iyo sa iyong ikabubuti. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, matakot ka.” (Roma 13:4) Ang pananakit ay malubhang krimen mangyari man ito sa bahay o sa lansangan. Isang krimen din sa maraming bansa ang sundan ang ibang tao nang palihim.
Ang pagkadama ng takot ay maiibsan sa paanuman sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga hakbang na tinalakay natin. Ngunit hindi lamang praktikal na payo ang ibinibigay ng Bibliya. Hindi lamang ito isang manwal upang matulungan ng isa ang kaniyang sarili. Isa itong aklat ng mga hulang natutupad at nagsisiwalat sa ginagawa ng Diyos ngayon at sa gagawin niya sa hinaharap. Anong pag-asa ang iniaalok ng Bibliya para sa mga taong napipilitang mamuhay sa takot?
Ang Kahulugan ng Laganap na Pagkatakot
Kapansin-pansin ang isinulat ni apostol Pablo: “Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, . . . mga walang likas na pagmamahal, mga hindi bukás sa anumang kasunduan, mga maninirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, mga walang pag-ibig sa kabutihan.” 2 Timoteo 3:1-3) Talagang nakatatakot na panahon ang inilalarawan ng mga salitang ito!
(Nang banggitin ni Jesus ang “katapusan ng sistema ng mga bagay,” sinabi niya: “Ang bansa ay titindig laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba’t ibang dako ay mga salot at mga kakapusan sa pagkain; at magkakaroon ng nakatatakot na mga tanawin at mula sa langit ay mga dakilang tanda.” (Mateo 24:3, 7, 8; Lucas 21:10, 11) Kung gayon, hindi natin dapat ikagulat ang “nakatatakot na mga tanawin” na nasasaksihan natin at nagpapatindi sa pagkadama ng takot sa daigdig sa ngayon. Subalit ano ang kahulugan ng mga ito?
Sinabi ni Jesus: “Kapag nakita ninyong nagaganap ang mga bagay na ito, alamin ninyo na ang kaharian ng Diyos ay malapit na.” (Lucas 21:31) Sa ating panahon, umaasa tayong mamamahala sa buong sangkatauhan ang pamahalaan ng Diyos mula sa langit. (Daniel 2:44) Ano kaya ang magiging buhay sa panahong iyon?
Wala Nang Takot!
Inilalarawan ng Bibliya ang darating na panahon ng kapayapaan kapag wala nang mga digmaan, wala nang mga manggagawa ng kasamaan, at napuno na ang lupa ng mga taong umiibig sa Diyos. Isinulat ni Pedro, apostol ni Jesus, ang tungkol sa darating na “araw ng paghuhukom at ng pagkapuksa ng mga taong di-makadiyos.” Wala nang masamang taong katatakutan sapagkat “tatahan ang katuwiran” sa lupa. (2 Pedro 3:7, 9, 13) Isip-isipin ang ginhawa ng pananahanang kasama ng mga taong mapagkakatiwalaan at tunay na nag-iibigan sa isa’t isa! Tumutulong ang pag-asang ito upang makita natin mula sa ibang pananaw ang kasalukuyang mapanganib na panahon. Hindi magpapatuloy ang mga ito nang habang panahon.—Awit 37:9-11.
Alang-alang sa mga dumaranas ng kabalisahan, ganito ang sinabi sa propeta ni Jehova: “Sabihin ninyo sa mga may pusong nababalisa: ‘Magpakalakas kayo. Huwag kayong matakot. Narito! Ang inyong Diyos ay darating na may paghihiganti, ang Diyos taglay ang kagantihan. Siya ay darating at magliligtas sa inyo.’ ” (Isaias 35:4) Kaya naman, ang mga lingkod ng Diyos ay nakatanaw sa hinaharap nang may pananalig. (Filipos 4:6, 7) Para sa mga taong napipilitang mamuhay sa takot, tunay ngang nakaaaliw malaman na hindi isinaisantabi ni Jehova ang kaniyang orihinal na layuning mapuno ang lupa ng mga taong nakakakilala sa kaniya at nagpapaaninag ng kaniyang maibiging mga katangian.—Genesis 1:26-28; Isaias 11:9.
Alam nating walang makahahadlang kay Jehova sa pagtupad sa kaniyang maibiging mga layunin para sa sangkatauhan. (Isaias 55:10, 11; Roma 8:35-39) Kapag napagtanto natin ito, magkakaroon ng pantanging kahulugan ang mga salita ng kilalang-kilalang awit. Mababasa natin doon: “Si Jehova ang aking Pastol. . . . Ang aking kaluluwa ay kaniyang pinagiginhawa. Inaakay niya ako sa mga landas ng katuwiran alang-alang sa kaniyang pangalan. Bagaman lumalakad ako sa libis ng matinding karimlan, wala akong kinatatakutang masama, sapagkat ikaw ay kasama ko.” (Awit 23:1-4) Bagaman maaaring lumala ang nakatatakot na mga panahon, malapit na at tiyak na darating ang isang daigdig na wala nang takot.
[Mga talababa]
^ Hinggil sa pakikipaghiwalay sa asawa na ayon sa mga simulain ng Bibliya, tingnan ang Gumising! ng Pebrero 8, 2002, pahina 10.
^ Hinggil sa mga biktima ng karahasan sa sambahayan, tingnan ang Gumising! ng Nobyembre 8, 2001, pahina 3-12, at Gumising! ng Pebrero 8, 1993, pahina 3-14.
[Mga larawan sa pahina 8-10]
Malapit nang magpasapit ang Diyos ng daigdig na wala nang takot