Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong Salamat sa napakagandang artikulo na “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Makakayanan ang Pagkabigo?” (Nobyembre 22, 2004) Tulad ni Ana, nadama kong binigo ko ang Diyos at na hindi na niya ako mapatatawad. Subalit gaya ng ipinaliwanag sa artikulo, pinatawad ni Jehova si David at nanatiling malapít sa kaniya sa kabila ng kaniyang mga kahinaan. Nakapagpapatibay malaman na kahit madupilas tayo, tutulungan tayo ni Jehova na makabangong muli!

G. C., Italya

Nakatulong nang husto sa akin ang Galacia 6:4. Natanto ko na lagi kong inihahambing ang aking sarili sa pinakamagagaling na estudyante sa aming klase. Tinulungan ako ng artikulong ito na maunawaang pinahihirapan ko lamang ang aking sarili.

C. C., Pransiya

Pagsalakay ng Terorista Talagang naantig ako ng artikulong “Pagharap sa Trauma na Dulot ng Pagsalakay ng Terorista.” (Nobyembre 8, 2004) Nakapagpapatibay ang inilakip na mga karanasan. Natutuhan kong mapalalakas tayo sa pamamagitan ng pag-alaala sa mga kasulatan at pagkakaroon ng tiyak na pag-asa sa Paraiso. Mahalagang ikintal sa ating puso ang pinakamaraming kasulatan hangga’t maaari.

I. A., Hapon

Talagang napahanga ako dahil kahit napinsala ang mga kapatid, naisip pa nila ang Bibliya at ang pag-asa na ibinibigay sa atin ni Jehova. Balang-araw, gusto kong pumasyal sa Espanya at sabihin sa mga kapatid na talagang napatibay nila ako.

L. G., Estados Unidos

Mga Magulang Salamat sa payong ibinigay sa seryeng “Anu-ano ang mga Katangian ng Isang Mabuting Ama?” (Agosto 22, 2004) Nauunawaan na namin ngayon kung paano aakayin ang puso ng aming sanggol sa espirituwal na mga bagay upang maikintal sa kaniya ang mga simulain ni Jehova mula sa pagkasanggol. Tila isinulat ang mga artikulong iyon para sa amin mismo. Laging sinasapatan ng mga ito ang aming espirituwal na mga pangangailangan sa tamang panahon.

K. at M. P., Poland

Pagdadalang-tao ng mga Tin-edyer Salamat sa seryeng “Pagdadalang-tao ng mga Tin-edyer​—Isang Pangglobong Trahedya.” (Oktubre 8, 2004) Hindi ko pa ito tapos basahin, napaluha na ako. Tumpak na inilarawan ng artikulo ang nararanasan ng aking ate. Nagpapasalamat ako na naglaan si Jehova ng napapanahong seryeng ito upang higit kong maunawaan ang kaniyang nadarama.

M. S., Indonesia

Madarama ng isa ang init at simpatiya ng mga elder na nasa larawan sa pahina 10. Talagang itinatanyag ng larawang ito ang di-mapapantayang pag-ibig at awa ni Jehova! Salamat sa pagtuturo sa amin na tularan ang ating Diyos sa paraan ng pakikitungo natin sa mga nakagawa ng malubhang pagkakasala subalit nagsisisi naman.

T. K., Ukraine

Pagpapatotoo sa Paaralan Talagang humanga ako sa artikulong “Mga Kabataang Nagsasalita Para sa Kanilang Pananampalataya.” (Setyembre 8, 2004) Ang mga karanasan nina Holly, Jessica, at Melissa ay nakatulong sa akin na ipakipag-usap ang aking pananampalataya sa paaralan, sa mga kaeskuwela man o sa mga guro. Noong una, nahihiya akong magpatotoo. Subalit ngayon ay napasigla akong makipag-usap sa mga nakakasalamuha ko sa paaralan.

G. O., Nigeria

Vitiligo Ang isang artikulo na nakaantig sa akin kamakailan ay “Ano ba ang Vitiligo?” (Setyembre 22, 2004) May vitiligo ako mula pa nang ako’y siyam na taóng gulang. Mahigit na akong 30 anyos ngayon. Pagkatapos ng maraming di-matagumpay na paggamot, tanggap ko na ang katotohanang kailangan kong maghintay hanggang sa bagong sanlibutan ng Diyos upang malunasan ito. Sa kabila nito, makabuluhan ang aking buhay! Posibleng maging kasiya-siya at maligaya ang buhay sa kabila ng ganitong sakit sa balat!

M. S., Mozambique