“Nagliligtas-Buhay ang Video na Ito!”
“Nagliligtas-Buhay ang Video na Ito!”
NOONG 1999, gumawa ang mga Saksi ni Jehova ng isang video na pantanging dinisenyo para sa mga kabataan at pinamagatang Young People Ask—How Can I Make Real Friends? Sa kasalukuyan, inilabas na ito sa mahigit na 30 wika. “Malaki ang epekto ng video na ito sa aming lahat!” ang isinulat ng isang tagapangasiwa sa kongregasyon sa Ukraine. “Limang beses itong pinanood ng ilan, at hanggang pitong beses naman ng iba! Pagkatapos, nasiyahan ang maraming kabataan sa pagtalakay sa mga tampok na bahagi nito. Marami sa kanila ang napaluha. Nadama naming lahat ang pag-ibig at taimtim na pagmamalasakit ni Jehova sa mga kabataan. Mas nauunawaan ko na ngayon ang pangangailangan ng mga kabataan, at gusto kong matulungan sila nang higit pa, at maging mas malapít na kaibigan nila.”
Naantig ng video na ito ang mga kabataan sa palibot ng daigdig. Halimbawa, ganito ang isinulat ng 17-taóng-gulang na si Leticia mula sa Uruguay (nasa larawan sa kaliwa): “Bagbag na bagbag ako, hindi lamang dahil sa iniharap na impormasyon kundi dahil nakita ko rin ang interes ni Jehova at ng kaniyang organisasyon sa aming mga kabataan. Hindi ko maapuhap ang mga salita upang ipahayag ang aking pasasalamat sa napakahalagang video na ito. Sa maikli, maraming salamat!”
Maraming ulit na pinanood ng isang adultong Saksi sa Estados Unidos ang video at nagamit niya ito upang tulungan ang isang kabataang babae na may dobleng pamumuhay. Ganito ang isinulat niya: “Natutong uminom si Annette at nasangkot sa masasamang kasama, at sinubok pa nga niyang gumamit ng droga. * Subalit malaki ang naging epekto ng video sa kaniya. Sa maikling panahon, iniwan niya ang kaniyang masasamang kasama at maling mga gawain. Nabautismuhan siya pagkalipas ng anim na buwan. Talagang nagliligtas-buhay ang video na ito!”
◼ Noong 2004, ang mga Saksi ni Jehova ay naglabas ng isa pang video para sa mga kabataan. Pinamagatan itong Young People Ask—What Will I Do With My Life? Inaasahan na sa pamamagitan ng video na ito sa DVD, maraming kabataan ang mapasisiglang unahin sa kanilang buhay ang pagsamba sa Diyos na Jehova.—Mateo 6:33.
[Talababa]
^ Binago ang pangalan.