Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Nagbago ng Opinyon ang Kaniyang mga Kaklase

Nagbago ng Opinyon ang Kaniyang mga Kaklase

Nagbago ng Opinyon ang Kaniyang mga Kaklase

◼ Si Victoria (makikita sa itaas), isang 11-taóng-gulang na batang babae sa Ukraine, ay hinilingang maghanda ng report hinggil sa kaniyang paboritong aklat sa paraang makapupukaw ng interes ng buong klase na basahin ang aklat. Ganito ang sabi niya: “Ipinasiya kong iharap sa aking mga kamag-aral ang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas. Sa aking presentasyon, ipinaliwanag ko ang nilalaman ng aklat at ang mga simulaing pinagbatayan nito. Sa katapusan ng aking presentasyon, binanggit ko na maaari silang makakuha ng aklat na ito pagkatapos ng klase.”

Paano tumugon ang kaniyang mga kaklase? “Nakapagpasakamay ako ng 20 aklat nang araw na iyon,” ang sabi ni Victoria. “Inaakala ng mga kaklase ko noon na isang sekta ang mga Saksi ni Jehova, pero nagbago na ang kanilang opinyon, at dalawa sa kanila ngayon ang regular nang nagbabasa ng ating mga magasin!”

Lubusang inaarok ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan ang isip at damdamin ng mga kabataan, anupat pinasisigla ang kapaki-pakinabang na mga talakayan. Sinasagot nito ang tanong ng mga kabataan na gaya ng: “Papaano Ko Magagawang Mabigyan Ako ng Higit na Kalayaan ng Aking mga Magulang?,” “Papaano Ako Magkakaroon ng Tunay na mga Kaibigan?,” at “Tama Kaya ang Pakikipagtalik Muna Bago ang Kasal?” Sa 39 na kabanata nito, tinatalakay rin ng aklat ang marami pang ibang paksa.

Kung gusto mo ng isang kopya, punan ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na ipinakikita sa kupon o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.