Kapag Namatayan ng Anak
Kapag Namatayan ng Anak
▪ Ang mamatayan ng anak ay nakapanlulumo para sa naulilang mga kamag-anak, lalo na para sa mga magulang. Ganito ang hinagpis ng isang inang may 16-na-taóng-gulang na anak na lalaki na nasunog at namatay sa isang kalunus-lunos na aksidente: “Hindi ipinahihintulot ng Diyos na tayo na lamang sana ang mamatay sa halip na ang ating mga anak, ni ipinahihintulot man niya na mamatay tayo kasama nila.”
Gayunman, may pag-asa siya, gaya ng ipinaliwanag niya: “Sinasabi sa atin ng Diyos ang katotohanan tungkol sa kamatayan, at ito ang tumutulong sa amin ng asawa ko upang hindi kami maghinanakit at mawala sa sarili.” Sinabi niya na “hindi ang Diyos ang gumawa nito sa aming anak, at nilayon Niyang buhaying muli ang mga patay sa paraisong lupa. Nakikini-kinita naming buháy, malusog, at maligaya ang aming anak kasama ng kaniyang mga kaibigan at kapamilya.”
Gayunman, maging ang mga taong may matibay na pananalig sa pangako ng Diyos na pagkabuhay-muli ay nangangailangan ng kaaliwan, na mapagpasalamat namang tinanggap ng inang ito mula sa kaniyang maraming kaibigan. Sinabi niya: “Maraming kaisipan mula sa Kasulatan at gawa ng kabaitan na ipinaalaala at ipinakita sa amin ay hinango sa brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Iminungkahi namin sa mga taong nakapalibot sa amin na basahin ito upang mas maunawaan nila kami at ang pamimighating lagi naming nadarama.”
Ikaw o ang isang kakilala mo ay maaaring makasumpong ng kaaliwan sa pagbabasa ng Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.