Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mas Maaliwalas na Kinabukasan?

Mas Maaliwalas na Kinabukasan?

Mas Maaliwalas na Kinabukasan?

Interesadung-interesado ang mga tao sa kinabukasan. Sino sa atin ang hindi interesadong malaman kung ano ang magiging buhay natin sa susunod na buwan, sa susunod na taon, o isang dekada pa nga mula ngayon? Sa mas malawak na pananaw, ano na kaya ang kalagayan ng daigdig makalipas ang 10, 20, o 30 taon?

POSITIBO ba ang pananaw mo sa kinabukasan? Ganiyan ang pananaw ng milyun-milyon katao, at maaari silang hatiin sa dalawang grupo: yaong mga nagsasabing may matitibay silang dahilan para maniwalang bubuti ang kalagayan at yaong may optimistikong pananaw dahil masyadong nakapanlulumong isipin ang iba pang posibilidad.

Mangyari pa, naniniwala ang ilang tao na walang darating na mabuting balita. Kabilang sa kanila ang mga taong humuhula ng kapahamakan, na waring nasisiyahang ibalita ang kalunus-lunos na paggunaw sa planetang Lupa. Ayon sa pananaw nila sa kinabukasan, kaunti lamang ang makaliligtas, kung mayroon man.

Ano ang nakikini-kinita mong mangyayari sa hinaharap? Karimlan at kapahamakan ba o kapayapaan at katiwasayan? Kung ang huli ang inaasahan mo, ano ang batayan ng iyong pag-asa​—pangarap lamang ba o matibay na ebidensiya?

Di-tulad ng mga humuhula ng kapahamakan, ang mga tagapaglathala ng Gumising! ay hindi naniniwalang malilipol ang sangkatauhan. Sa kabaligtaran, nagbibigay ang Bibliya ng matitibay na dahilan upang maniwalang malapit na ang pinakamaligayang panahon kailanman.

[Picture Credit Line sa pahina 5]

U.S. Department of Energy photograph