Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tulong Upang Maingatan ang Ating mga Anak

Tulong Upang Maingatan ang Ating mga Anak

Tulong Upang Maingatan ang Ating mga Anak

Noong nakaraang taon, isang babae mula sa Virginia, E.U.A., ang sumulat upang ipaabot ang kaniyang pasasalamat sa aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro, na sinasabi: “Bago matulog ang mga apo kong lalaki, sinasabi nila: ‘Lola, basahan n’yo po kami ng kuwento mula sa aklat ni Jesus.’ Sila ay 4, 6, at 7 taóng gulang, at talagang gustung-gusto nila ang mga kuwento.”

Ipinaliwanag ng lola: “Binasa ko ang kabanata 32 na pinamagatang ‘Kung Paano Iningatan si Jesus.’ Talagang humanga ako dahil matapos pag-usapan kung paano iningatan ni Jehova si Jesus, tinutulungan naman ng aralin ang mga kabataan kung paano iingatan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagbibigay ng praktikal na mga payo. Sinasabi nito: ‘Kapag may gustong gumawa nito, matatag mong sabihin sa malakas na boses: “Tumigil ka! Isusumbong kita!”’”

Sa Mexico, isang ina na may limang-taóng-gulang na anak na babae na nagngangalang Betsaida ang nagsabi na pangalawang beses na niyang binabasa ang aklat na Guro sa kaniyang anak. Sinabi ng nanay: “Pasama nang pasama ang moral ng daigdig, at lalong tumitindi ang mga panggigipit sa ating mga anak. Sinabi ng aking anak na laking pasasalamat niya sa mga tagubilin kung paano iingatan ang kaniyang sarili mula sa masasamang impluwensiya, gaya ng mga binanggit sa kabanata 32.”

Ang aklat na ito na may 256 na pahina, magagandang larawan, at kasinlaki ng magasing ito, ay talagang napakalaking tulong sa mga magulang bilang pagsunod sa utos ng Bibliya na sanayin ang kanilang mga anak. (Kawikaan 22:6) Ang mga aralin, batay sa mga turo ni Jesu-Kristo, ay inilahad sa simpleng mga pananalita; subalit ang mga paksa ay para sa lahat anuman ang kanilang edad. Makakakuha ka ng kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nakalaan o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Matuto Mula sa Dakilang Guro.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.