Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Halos Hindi Ko Ito Maibaba”

“Halos Hindi Ko Ito Maibaba”

“Halos Hindi Ko Ito Maibaba”

▪ Noong nakaraang taon, isang bagong aklat na may 224 na pahina at makukulay na larawan ang inilabas sa mga kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig upang gamitin sa pag-aaral ng pangunahing mga turo sa Bibliya. Pinamagatan itong Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

“Halos hindi ko ito maibaba,” ang isinulat ng isang mambabasa. “Pinagsama-sama sa aklat na ito ang pinakamahuhusay na paraan ng pagtuturo ng bawat aklat-aralin na nabasa ko na at iniharap ang lahat ng ito sa iilang pahina lamang.”

Ganito ang sabi ng isa pang mambabasa: “Pasisiglahin ka ng bawat pahina na magbasa pa. Nagandahan din ako na sa dulo ng bawat kabanata ay binabanggit ang susunod na paksang tatalakayin. Maraming bahagi sa aklat na ito ang nagpaluha sa akin. Marami akong nagustuhan sa aklat na ito anupat makasusulat ako ng buong aklat tungkol dito!”

Ganito pa ang isinulat ng isang mapagpahalagang mambabasa: “Maniwala kayo, ang aklat na ito ay isang napakamamahaling espirituwal na hiyas, at magiging napakahusay na pantulong ito sa pagtuturo sa bagong mga alagad.”

Makukuha na ngayon ang Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? sa mahigit 140 wika kung hihiling ka. Makatatanggap ka ng kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa ibaba o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.