Mayroon Bang Kabilang-Buhay?
Mayroon Bang Kabilang-Buhay?
▪ Maraming tao ang naghahanap ng mapananaligang sagot sa mga tanong na gaya ng: Mayroon bang kabilang-buhay? Imortal ba ang kaluluwa? Ano ba talaga ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli sa lupa?
Kamakailan, isang babae mula sa Pransiya ang sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova roon may kinalaman sa mga katanungang ito. Sinabi niya: “Lagi akong nasisiyahan sa pagbabasa ng inyong mga brosyur na nagpapaliwanag tungkol sa maraming paksa. Mas madaling harapin ang buhay dahil sa tulong at kaaliwan na masusumpungan sa Bibliya.”
Ipinaliwanag niya: “Sumulat ako sa inyo hinggil sa brosyur na Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay? na nagdulot sa akin ng malaking kaaliwan. Napakasimple ng paliwanag nito sa mga bagay-bagay.” Idinagdag pa niya: “Nais kong makakuha ng 10 o 15 kopya ng brosyur na ito at maipamahagi sa aking mga kakilala upang makinabang din sila sa inyong mga publikasyon.”
Naniniwala kaming makikinabang ka rin sa kawili-wiling 32-pahinang brosyur na Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay? Kung gusto mo ng isang kopya, punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na nakalaan o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.