Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Maligayang Pamilya—Posible Ba?

Maligayang Pamilya—Posible Ba?

Maligayang Pamilya​—Posible Ba?

Noong nakaraang taon, isang ina ang sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico at humingi ng tulong upang magkaroon ng maligayang buhay pampamilya. Ipinaliwanag niya na nagustuhan niyang basahin ang magasing Gumising! at nagsabi:

“Tatlong taon na akong kasal, at gusto kong humingi ng payo at mungkahi tungkol sa pagtatatag ng maligayang pamilya. Nagkaanak kami ng batang lalaki dalawang taon na ang nakalilipas, at gusto ko rin siyang palakihin nang tama.”

Nabalitaan ng inang ito ang tungkol sa aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya at sumulat siya para humiling ng isang kopya. Humiling na rin nito ang libu-libong tao. Pagkatapos basahin ang aklat, marami ang nagsabing malaki ang naitulong nito. Kasama sa nakapagtuturong mga kabanata ng aklat ang “Sanayin ang Iyong Anak Mula sa Pagkasanggol,” “Ipagsanggalang ang Iyong Pamilya sa mga Mapaminsalang Impluwensiya,” at “Panatilihin ang Kapayapaan sa Inyong Sambahayan.”

Maaari kang humiling ng kopya ng Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa ibaba o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.