Lubhang Pinahahalagahang Regalo
Lubhang Pinahahalagahang Regalo
Tuwang-tuwa kapuwa ang nagbigay at ang tumanggap ng regalo kapag sinasapatan nito ang isang pangangailangan at talagang pinahahalagahan. Kamakailan lamang, isang taga-Mexico na empleado ng pamahalaan at may mataas na posisyon ang sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova para magpasalamat sa natanggap niyang kopya ng aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Ganito ang sinabi sa isang bahagi ng kaniyang sulat:
“Napakahalaga talaga ng nilalaman ng aklat na ito. Masasabi ko na bagaman hinango ang impormasyong ito sa isang napakatagal nang aklat, napapanahon naman at magagamit ito sa ating pang-araw-araw na buhay.
“Kumbinsido ako na bilang mga magulang, dapat nating ikintal sa ating mga anak ang mga pamantayan na tutulong sa kanila na malaman kung paano gagawi at kung paano magiging mga taong may kakayahan at kung paano kikilos nang magalang at tapat sa daigdig na salat sa ganitong mga bagay. Higit sa lahat, dapat natin silang tulungan na malamang umiiral ang isang maibigin at mabait na Kataas-taasang Persona. Maniwala kayo, malaki ang maitutulong ng ipinadala ninyo kapuwa sa aking trabaho bilang isang propesyonal at sa atas na ipinagkatiwala ng ating Maylalang sa mga magulang na tulungan ang ating mga anak na lumaki bilang mga mamamayan na umiibig sa kanilang kapuwa.”
Pinahahalagahan ng empleadong ito ng pamahalaan ang mga aral mula sa turo at halimbawa ni Jesu-Kristo na nasa Matuto Mula sa Dakilang Guro. Maaari ka ring tumanggap ng kopya ng 256-na-pahinang aklat na ito na may magagandang ilustrasyon at kasinlaki ng magasing ito. Maaari kang humiling ng kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa ibaba o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.