Mga Relihiyon—Saan Patungo ang mga Ito?
Mga Relihiyon—Saan Patungo ang mga Ito?
ANO na ang nangyayari sa mga relihiyong “Kristiyano”? Humihina ba ang impluwensiya ng mga ito sa lugar ninyo, o lumalakas? Baka nababalitaan mong may sumisigla-muli sa mga ito, at kung minsan ay may mga ulat ng paglago ng mga kongregasyon mula sa mga lugar na gaya ng Aprika, Silangang Europa, at Estados Unidos. Gayunman, nababalitaan sa ibang bahagi ng daigdig, lalo na sa Kanlurang Europa, ang pagsasara ng mga simbahan, pagliit ng mga kongregasyon, at paglaganap ng kawalang-interes sa relihiyon.
Dahil sa pag-unti ng mga nagsisimba, binago ng maraming simbahan ang kanilang istilo. Inihahayag ng ilan na sila ay “hindi mapanghatol,” anupat ipinahihiwatig na tinatanggap ng Diyos ang anumang uri ng paggawi. Parami nang paraming simbahan ang naglalaan ng libangan, katuwaan, at sekular na mga atraksiyon sa halip na instruksiyon mula sa Salita ng Diyos. Bagaman itinuturing ng ilang nagsisimba na nararapat lamang ang gayong mga pagbabago upang makibagay sa realidad ng makabagong daigdig, maraming taimtim na tao naman ang nag-iisip na parang lumilihis na ang mga simbahan sa misyon na ibinigay ni Jesus. Talakayin natin ang naging kalakaran ng mga relihiyon sa nakalipas na mga dekada.