Nasagip ang Kanilang Pagsasama
Nasagip ang Kanilang Pagsasama
Sa Timog Aprika, napansin ng isang amo ang isa sa kaniyang mga empleado, si Bella, na nagkakaproblema sa asawa. Kaya hiniling ng amo kay Thandi, isang Saksi ni Jehova, na kausapin si Bella. Nalaman ni Thandi na gusto nang diborsiyuhin ni Bella ang kaniyang asawa.
Binigyan ni Thandi si Bella ng dalawang kopya ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya at hinimok niya itong ibigay ang isang kopya sa kaniyang asawa. Ganoon nga ang ginawa ni Bella. Pagkalipas ng isang linggo, nalaman ni Thandi na binabasa ng asawa ni Bella ang aklat at bumuti na ang kanilang buhay pampamilya. Pagkalipas ng tatlong buwan, sinabi ni Bella kay Thandi na sinagip ng Diyos ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng panalangin at ng aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Pero hindi pa rito natatapos ang kuwento.
Nang malaman ng amo ni Bella ang nangyari, inirekomenda niya sa lahat ng empleado na kumuha sila ng aklat. Nang dakong huli, mahigit isang daang kopya ng 192-pahinang aklat na Kaligayahan sa Pamilya ang naipamahagi sa mga empleado ng kompanya. Kabilang sa nakapagtuturong mga kabanata ng aklat ang “Kung Malapit Nang Mapatid ang Tali ng Pag-aasawa,” “Ipagsanggalang ang Iyong Pamilya sa mga Mapaminsalang Impluwensiya,” at “Panatilihin ang Kapayapaan sa Inyong Sambahayan.”
Maaari kang humiling ng kopya ng Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa ibaba o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.