Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Isang Okasyong Hindi Mo Dapat Kaligtaang Daluhan

Isang Okasyong Hindi Mo Dapat Kaligtaang Daluhan

Isang Okasyong Hindi Mo Dapat Kaligtaang Daluhan

“Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.” Ang mga salitang ito ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na masusumpungan sa Lucas 22:19, ay sinabi niya nang pasinayaan niya ang Memoryal ng kaniyang kamatayan. Dahil sa kamatayan ni Jesus, nagkaroon ng pag-asa ang sangkatauhan na mabuhay magpakailanman sa isang Paraiso. Kaya dapat nating alalahanin ang kaniyang kamatayan.

Aalalahanin mo ba ang Memoryal sa taóng ito?

Pakisuyong paunlakan ang paanyayang ito ng mga Saksi ni Jehova na samahan sila sa pag-alaala sa mahalagang okasyong ito. Ang pag-alaalang ito ay gaganapin pagkalubog ng araw sa petsang tumatapat sa Nisan 14 sa kalendaryong lunar ng Bibliya. Sa taóng ito, pumapatak ang petsang ito sa Lunes, Abril 2. Maaari ninyong tanungin ang mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar kung saan at anong oras gaganapin ang okasyong ito sa inyong komunidad.