Ang Pangmalas ng Bibliya
Ano ang Kahulugan ng Pagiging Kristiyano?
“SA AMING bansa, ang pagiging Kristiyano ay nangangahulugan ng pagsisimba minsan sa isang linggo,” ang sabi ni Kingsley, na nagmula sa isang bansa sa Aprika. Ganito naman ang paliwanag ni Raad, na nagmula sa Gitnang Silangan: “Sa aming pamayanan, itinuturing ang mga Kristiyano bilang isang grupo na sumusunod sa mga kostumbre at tradisyon ng Kanluran pagdating sa pananamit, mga kapistahan, at pakikitungo sa mga babae.”
Pero ang pagiging Kristiyano ba ay nangangahulugan ng basta pagsisimba lamang minsan sa isang linggo at pagsunod sa ilang kostumbre at tradisyon? Hindi ba’t makatuwirang isipin na ang salitang “Kristiyano” ay dapat tumukoy sa paraan ng pamumuhay na ang saloobin, pamantayan, at paggawi ay yaong nakikita sa mga turo at halimbawa ni Kristo? * Paano ba isinagawa ang Kristiyanismo noong una?
Sinaunang Kristiyanismo—Isang Paraan ng Pamumuhay
Ganito ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Kayo ay mga kaibigan ko kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo.” (Juan 15:14) Yamang may epekto ang mga turo ni Jesus sa lahat ng pitak ng kanilang buhay, sa pasimula ay tinukoy ng mga alagad ni Kristo ang kanilang relihiyon bilang ang “Daan.” (Gawa 9:2) Di-nagtagal pagkatapos nito, sila ay “unang tinawag na mga Kristiyano . . . sa pamamagitan ng patnubay mula sa Diyos.” (Gawa 11:26) Ang bagong pangalang ito ay nangangahulugang naniniwala sila na si Jesus ang Anak ng Diyos at na siya ang ginamit upang ipaalam sa mga tao ang kalooban ng kaniyang makalangit na Ama. Ang paniniwalang ito ang nag-udyok sa kanila na sundin ang paraan ng pamumuhay na naiiba sa pamumuhay ng mga tao sa palibot nila.
Napakilos ng mga turo ni Kristo ang kaniyang mga tagasunod na sundin ang mga turo ng Bibliya, Galacia 5:19-21; Efeso 4:17-24) Ipinaalaala ni apostol Pablo sa mga Kristiyano sa Corinto na gayon ang ginagawa ng ilan sa kanila noon. Pagkatapos ay idinagdag niya: “Ngunit hinugasan na kayong malinis, ngunit pinabanal na kayo, ngunit ipinahayag na kayong matuwid sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Kristo.”—1 Corinto 6:9-11.
na nangangahulugan ng pag-iwas sa “pakikiapid, karumihan, mahalay na paggawi, idolatriya, pagsasagawa ng espiritismo, mga alitan, hidwaan, paninibugho, mga silakbo ng galit, mga pagtatalo, . . . mga paglalasingan, mga walang-taros na pagsasaya, at mga bagay na tulad ng mga ito.” (Sinabi ni E. W. Barnes sa kaniyang aklat na The Rise of Christianity: “Ayon sa unang mga akda [hinggil sa mga Kristiyano], ang Kristiyanismo ay kilala sa pagiging malinis sa moral at masunurin sa batas. Nais ng mga miyembro nito na maging mabuting mamamayan at matapat na mga sakop. Iniiwasan nila ang mga kapintasan at mga bisyo ng paganismo. Pinagsisikapan nilang maging mapayapang mga kapitbahay at mapagkakatiwalaang mga kaibigan. Tinuruan sila na maging matino, masipag at disente. Kung namumuhay sila ayon sa kanilang mga adhikain, sila ay matapat, bagaman nasa gitna sila ng katiwalian at mababang moralidad. Mataas ang kanilang seksuwal na mga pamantayan: iginagalang nila ang buklod ng pag-aasawa at malinis ang kanilang buhay pampamilya.” Ganiyan ang mga katangian ng isang Kristiyano noon.
Ang isa pang pagkakakilanlan ng sinaunang Kristiyanismo ay ang pagiging masigasig sa gawaing pag-eebanghelyo. Ganito ang iniutos ni Kristo sa kaniyang mga tagasunod: “Humayo kayo at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa.” (Mateo 28:19, 20) Ganito ang sinabi ni Jean Bernardi, isang propesor sa Sorbonne University sa Paris, Pransiya: “Ang [mga Kristiyano] ay lumalabas at nakikipag-usap saanman at kaninuman. Sa mga lansangang-bayan at sa mga lunsod, sa mga liwasan at sa mga bahay. Tanggapin man sila o hindi. Sa mahihirap, at sa mayayaman na napabibigatan ng kanilang mga ari-arian. . . . Naglalakbay sila sa daan, sumasakay sa mga barko, at nagpupunta sa bawat sulok ng lupa.”
Tunay na Kristiyanismo sa Ngayon
Dapat na namumukod-tangi ang mga tunay na Kristiyano sa ngayon dahil sa kanilang paraan ng pamumuhay, gaya noong unang siglo. Kasuwato nito, pinagsisikapan ng mga Saksi ni Jehova na manghawakang mahigpit sa mga simulaing itinatag ng mga unang Kristiyano. Napapansin ng iba ang kanilang pagsisikap na iayon ang kanilang buhay sa mga turo ng Bibliya.
Halimbawa, inamin ng New Catholic Encyclopedia na kilala ang mga Saksi ni Jehova bilang “isa sa mga grupo sa daigdig na may pinakamagandang asal.” Sinabi naman ng Deseret News ng Salt Lake City, Utah, na “itinataguyod [ng mga Saksi ni Jehova] ang buklod ng pamilya at sila ay masipag at tapat na mga mamamayan.” Idinagdag pa ng pahayagan: “May mataas na pamantayang moral ang kanilang mga miyembro. Naniniwala sila na ang paninigarilyo, labis na pag-inom, pag-abuso sa droga, pagsusugal, seksuwal na imoralidad at homoseksuwalidad ay nakasisira sa relasyon nila sa Diyos. Itinuturo nila ang katapatan at kasipagan.”
Dinidibdib din ng mga Saksi ang kanilang pananagutan na maging masigasig na mga ebanghelisador. Ganito ang sinabi ng New Catholic Encyclopedia hinggil dito: “Ang pangunahing obligasyon ng bawat miyembro . . . ay magpatotoo hinggil kay Jehova sa pamamagitan ng paghahayag ng Kaniyang nalalapit na Kaharian. . . . Upang maging isang tunay na Saksi, ang isa ay dapat na mabisang mangaral sa paanuman.”
Kaya malinaw na ang pagiging miyembro ng isa sa mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan ay hindi nangangahulugang isa ka nang tunay na Kristiyano. Inihula mismo ni Jesus ang pagdami ng huwad na mga Kristiyano. (Mateo 7:22, 23) Inaanyayahan ka ng mga Saksi ni Jehova na alamin at ikapit kung ano ang itinuro ni Jesus. Iyan ang kahulugan ng pagiging Kristiyano. Sinabi ni Jesus: “Kung alam ninyo ang mga bagay na ito, maligaya kayo kung gagawin ninyo ang mga iyon.”—Juan 13:17.
[Talababa]
^ par. 4 Ayon sa isang diksyunaryo, ang Kristiyano ay isa na nag-aangking naniniwala kay Jesus bilang Kristo o isa na ang relihiyon ay nakasalig sa buhay at mga turo ni Kristo.
NAPAG-ISIP-ISIP MO NA BA?
◼ Sino ang itinuring ni Jesus na mga kaibigan niya?—Juan 15:14.
◼ Anong paggawi ang dapat iwasan ng mga tunay na Kristiyano?—Galacia 5:19-21.
◼ Sa anong gawain dapat makibahagi ang mga Kristiyano?—Mateo 28:19, 20.
[Mga larawan sa pahina 26]
Ang mga tunay na Kristiyano ay masigasig na mga ebanghelisador, gaya noong nakalipas na mga siglo