“Napakaganda Nito”
“Napakaganda Nito”
Iyan ang isinulat ng isang mag-asawa sa Georgia, E.U.A., tungkol sa Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, isang aklat na may makukulay na ilustrasyon, 224 na pahina, at inilathala noong 2005. Ipinaliwanag nila: “Simple lamang ito kaya puwede itong basahin ng kahit sino. Pero malalim din naman para sapatan ang espirituwal na pangangailangan ng mga may mataas na pinag-aralan.”
Nakatatawag-pansin maging ang pamagat nito, gaya ng ipinakikita ng nangyari sa isang mag-asawa sa New Jersey, E.U.A. Pagkatapos dumalo sa kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa Florida, kung saan sila nakakuha ng kopya ng aklat, ang mag-asawa ay sumakay ng eroplano papuntang Bahamas para magbakasyon. Habang tinitingnan ang kanilang bagahe, napansin ng isang opisyal sa adwana ang aklat, binasa ang pamagat, at nagsabi, “Noon ko pa gustong malaman ang sagot sa tanong na iyan.” Laking tuwa ng opisyal nang ibigay sa kaniya ng mag-asawang Saksi ang ekstrang kopya nila.
Kinabukasan, nang binabasa ng mag-asawa ring iyon ang aklat sa tabing-dagat, napansin ito ng isang babaing tagaroon na nagtitinda sa mga turista. Sinabi ng babae na kanina lamang ay nanalangin siya sa Diyos na sagutin sana ang tanong na iyon—Ano ba talaga ang itinuturo ng Bibliya? Itinanong niya kung paano siya makakakuha ng kopya ng aklat at tuwang-tuwa siya nang ibigay sa kaniya ng mga bakasyunista ang kanilang natitirang ekstrang kopya.
Makukuha na ngayon ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? sa mahigit na 145 wika, at mahigit 40 milyong kopya nito ang nailathala na. Maaari kang humiling ng kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa ibaba o sa angkop na adres na nasa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.