Makaaaliw Ito sa mga Nagdadalamhati
Makaaaliw Ito sa mga Nagdadalamhati
Isang babae sa Jalisco, Mexico, ang sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico. Hiniling nito: “Pakisuyong padalhan ninyo ako ng ilang kopya ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Hindi ako Saksi ni Jehova, pero pinaniniwalaan ko ang marami sa mga turo ninyo.”
Ipinaliwanag ng sumulat kung bakit siya humihiling ng brosyur, na sinasabi: “Gusto ko ang mga brosyur dahil sa palagay ko’y magandang ibigay ito sa ilan sa mga taong namimili sa aming tindahan ng bulaklak. Ang tinutukoy ko ay yaong mga bumibili ng koronang yari sa dahon at bulaklak, na kung minsan ay asawang babae, mga anak, o asawang lalaki ng namatay. Sa palagay ko, malaking tulong sa kanila ang brosyur na ito.”
Marahil ay maaaliw ka rin o ang isa na kakilala mo sa pagbabasa ng 32-pahinang brosyur na ito. Sinasagot nito ang mga tanong na: Paano ko mapagtitiisan ang aking pagdadalamhati? Paano makatutulong ang iba? Ano ang pag-asa para sa mga patay?
Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng libreng kopya ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.