“Ito Mismo ang Kailangan Namin!”
“Ito Mismo ang Kailangan Namin!”
Iyan ang sinabi ng isang ina sa Italya nang makatanggap siya ng aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. “Hindi ko napigilan ang aking luha,” ang sabi niya. Tungkol sa kaniyang anak na babae, idinagdag niya: “Hindi pa siya marunong bumasa, pero sa tulong ng mga larawan, natatandaan niya ang mahahalagang punto. Nakikinig siyang mabuti at madalas siyang magkomento dahil ang pagkakasulat nito ay parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa. Ito ang pinakamagandang regalong ibinigay sa amin.”
Sinabi naman ng isang ama sa Italya na pinag-iisipan nilang mag-asawa kung paano ipaliliwanag ang tungkol sa sekso sa kanilang anak na lalaki. “Nang ilabas ang bagong publikasyong ito,” ang sabi nila, “nadama namin na alam ng Diyos ang ikinababahala namin. Matapos itong suriin, nasabi naming mag-asawa sa isa’t isa na malaki ang maitutulong ng bagong aklat na ito para matutong mag-isip at mangatuwiran ang aming anak.”
Isang kabataan sa Hapon, na minolestiya noong maliit pa siya, ang sumulat para magpasalamat sa aklat: “Iyak ako nang iyak at hindi maubus-ubos ang pasasalamat ko kay Jehova. Prangkahan at eksaktong tinatalakay ng aklat na ito ang mga bagay na posibleng maranasan ng mga bata sa masamang daigdig na ito. Sa pamamagitan ng mga tanong, nasasabi ng mga bata ang kanilang niloloob. Napakalaking tulong ng kabanata 32 para maprotektahan ang mga bata sa masasamang adulto! Hindi siguro ganito ang buhay ko ngayon kung may ganito na kaprangkang tulong sa pagtuturo 20 taon ang nakalilipas.”
Maaari kang humiling ng kopya ng aklat na ito na kasinlaki ng magasing ito, may 256 na pahina, at magagandang larawan. Punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na nasa ibaba o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.