Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Paano Mo Sasagutin?

Paano Mo Sasagutin?

Paano Mo Sasagutin?

IPALIWANAG ANG TALINGHAGA

1. Sa talinghaga ni Jesus na nakaulat sa Lucas 15:11-32, ano ang ginawa ng isang anak sa kaniyang mana?

․․․․․

2. Ano ang nadama ng ama nang magsisi ang kaniyang anak?

․․․․․

3. Ano ang reaksiyon ng nakatatandang anak sa naging pagtrato ng ama sa kaniyang kapatid?

․․․․․

◼ Para sa Talakayan: Anu-ano ang pagkakatulad ni Jehova at ng ama sa talinghaga? Ano ang masasabi mo sa naging reaksiyon ng anak na nanatili sa bahay?

KAILAN ITO NANGYARI?

Sabihin kung sino ang (mga) sumulat ng bawat aklat ng Bibliya sa ibaba, at gumuhit ng linya na magdurugtong sa aklat at sa tinatayang petsa kung kailan ito natapos.

1513 B.C.E. 1473 B.C.E. 460 B.C.E. 55-56 C.E. 60-61 C.E.

4. Job

5. Mga Awit

6. Colosas

SINO AKO?

7. Nang makatanggap ako ng pangitain mula sa masamang espiritu, nasabi kong walang pananampalataya ang Diyos sa kaniyang mga lingkod.

SINO AKO?

8. Nagmula ako sa Colosas at nagpunyagi ako sa pananalangin alang-alang sa mga kongregasyon sa Laodicea at Hierapolis.

MULA SA ISYUNG ITO

Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.

Pahina 5 Bakit hindi katalinuhan ang magtiwala sa ating puso? (Jeremias 17:․․․)

Pahina 7 Paano tayo nakikinabang sa mga kautusan at paalaala ni Jehova? (Awit 19:․․․)

Pahina 11 Ano ang dapat nating pagtuunan ng pansin? (Filipos 2:․․․)

Pahina 20 Paano natin mapatutunayang iniibig natin ang Diyos? (1 Juan 5:․․․)

Mga Bata, Hanapin ang Larawan

Mahahanap mo ba ang mga larawang ito sa ibang pahina ng isyung ito? Sa sarili mong salita, sabihin ang nangyayari sa bawat larawan.

(Nasa pahina 27 ang mga sagot)

MGA SAGOT SA PAHINA 31

1. Nilustay niya ito sa imoral na pamumuhay.​—Lucas 15:11-13.

2. Nahabag siya sa kaniya.​—Lucas 15:20-24.

3. Siya ay napoot at nanibugho.​—Lucas 15:25-30.

4. Moises, 1473 B.C.E.

5. David, mga anak ni Kora, Heman, Asap (sambahayan ni), Moises, Solomon, Etan, at marahil iba pa, 460 B.C.E.

6. Pablo, 60-61 C.E.

7. Elipaz.​—Job 4:1, 13-18.

8. Epafras.​—Colosas 4:12, 13.

[Picture Credit Line sa pahina 31]

Bottom circle: Image supplied courtesy Tourism Western Australia