Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Atin?

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Atin?

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Atin?

Ito ba ay para mabuhay lamang nang sandali sa lupa​—marahil 70 o 80 taon​—​at pagkatapos ay mamatay? Layunin ba ng Diyos na kumuha ng mabubuting tao para mamuhay sa langit? Bakit nilalang ng Diyos ang lupa? Nilayon ba itong maging pansamantalang tahanan lamang ng mga tao?

Ipinakikita ng 32-pahinang brosyur na Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman! na nilalang ng Diyos ang lupa upang maging permanenteng tahanan ng mga tao. Nilikha ang lupa upang sa ilalim ng wastong pangangalaga ay maging isa itong magandang paraiso. Ang mga seksiyon ng brosyur na “Bakit Namamatay ang Tao?” at “Ano ang Kamatayan?” ay nagpapaliwanag kung bakit ganito ang kalagayan ngayon, at ang mga bahaging “Binigyan Tayo ni Jehova ng Tagapagligtas” at “Kung Paano Tayo Naliligtas sa Kasalanan at Kamatayan” ay nagsisiwalat kung paano magiging kamangha-manghang paraisong tahanan ang lupa para sa sangkatauhan.

May mahigit na 75 larawan ang brosyur, at may isa o higit pang mga teksto sa Bibliya na kalakip ang bawat larawan. Ang mga tekstong ito ay nagsisilbing batayan para sa talakayan ng mga larawan. Kung may mga anak ka, magagamit mo ang mga larawan upang tulungan silang malaman ang mga layunin ng Diyos.

Upang makahiling ng isang kopya, punan lamang ang kupon na ito at ihulog sa koreo sa adres na inilaan o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman!

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.