Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Kapag Wala Nang Sakit! (Enero 2007) Nang sabihin ninyo na ang ilang tao ay “nag-aaksaya ng pera at panahon sa mga paggamot na walang bisa o nakapipinsala pa nga,” waring ang tinutukoy ninyo ay ang alternatibong paggamot, yamang nagbangon ng mga tanong ang artikulo tungkol sa pagiging mabisa at ligtas ng ilang alternatibong paggamot. Ibig bang sabihin nito ay inirerekomenda ng Gumising! ang kombensiyonal na paggamot bilang mas ligtas at epektibong paraan? Ayon sa General Accounting Office ng Estados Unidos, may mga ebidensiya upang maniwala na hindi ganoon kabisa at kaligtas ang kombensiyonal na paggamot.

G. C., Estados Unidos

Sagot ng “Gumising!”: Ang ilang paraan ng paggamot, na tinatanggap ng karamihan at dating itinuturing na ligtas at mabisa, ay nasumpungan ngayon na hindi pala ligtas. Nangyayari ito kapuwa sa kombensiyonal na larangan ng medisina at sa alternatibong pangangalaga sa kalusugan. Ang matalinong landasin ay ang magkaroon ng sapat na impormasyon sa posibleng pakinabang at panganib ng paggamot na iyong isinasaalang-alang, ito man ay kombensiyonal o alternatibo, at matiyak na hindi ito salungat sa mga simulain ng Bibliya. Personal na pasiya ito ng isa. Gaya ng madalas naming sabihin, hindi nag-iindorso ang “Gumising!” ng anumang paraan ng paggamot. At iniiwasan ng mga Kristiyano na hatulan o punahin ang pinipili ng iba na paraan ng pangangalaga sa kanilang kalusugan. Gaya ng idiniriin ng mga artikulo, hindi talaga kayang lunasan ng alternatibo ni ng kombensiyonal na medisina ang lahat ng sakit ng sangkatauhan. Tanging ang Kaharian ng Diyos lamang ang makapag-aalis ng lahat ng sakit.​—Apocalipsis 21:3, 4.

Ako ay ‘Aakyat na Gaya ng Lalaking Usa’ (Agosto 2006) Talagang pinag-isip ako ng pagkamatiisin at kapakumbabaan ni Francesco Abbatemarco. Hindi lamang niya sinikap na mapagtagumpayan ang kaniyang kapansanan upang paglingkuran si Jehova, kundi pinaglabanan din niya ang kaniyang negatibong saloobin. Tinulungan ako ng kaniyang karanasan na isiping anumang kalagayan ang mapaharap sa atin, makapaglilingkod tayo kay Jehova sa abot ng ating makakaya. Napatibay rin ako na makitang natulungan siya ng kaniyang pagkakapit ng Salita ng Diyos upang makagawa siya ng malaking pagbabago sa kaniyang buhay.

N. G., Cambodia

Napakaraming balakid ang kinailangang mapagtagumpayan ni Francesco. Subalit nang masumpungan niya ang katotohanan, maluwag sa kalooban niyang hinarap ang mga ito. Isa nga siyang kahanga-hangang halimbawa ng determinasyon! Sana ay mapatibay ng kaniyang karanasan ang iba kung paanong napatibay ako nito.

M. D., Timog Aprika

Gustung-gusto ko ang artikulong ito! Gusto ko sanang masabi nang personal kay Francesco Abbatemarco kung gaano ako napasigla na lalo pang magsikap upang higit na paglingkuran si Jehova.

J. B., Estados Unidos

Salamat Francesco sa iyong napakahusay na halimbawa ng kasigasigan at pagbabata. Natitiyak ko na sa bagong sistema, makalulukso kang gaya ng lalaking usa. Lagi mong tandaan na mayroon kang mga kapatid na talagang nagmamahal sa iyo at nananalangin para sa iyo.

S. G., Russia