Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Sana, Mabasa Ito ng Lahat!”

“Sana, Mabasa Ito ng Lahat!”

“Sana, Mabasa Ito ng Lahat!”

Ang tinutukoy ng sumulat ng mga pananalitang nasa itaas ay ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. Sinabi pa niya, “Ngayong mas nauunawaan ko na ang pag-ibig ni Jehova, higit kong ipakikita ang aking pag-ibig sa iba.” Ganito pa ang sinabi ng isang nagpapahalagang mambabasa: “Hindi sapat ang mga salita upang ipahayag ang kasiyahan at kapakinabangang naidulot ng publikasyong ito sa akin. . . . Habang binabasa ko ito, lalo akong napapatibay.”

Tinatalakay ng apat na seksiyon ng aklat na Maging Malapít kay Jehova ang pangunahing mga katangian ng Diyos​—kapangyarihan, katarungan, karunungan, at pag-ibig. “Natulungan ako ng aklat na ito na maunawaan ang maiinam na katangian ng aking makalangit na Ama,” ang paliwanag ng isang mambabasa. “Natulungan din ako nitong maunawaan na puwede ko palang tularan ang kaniyang mga katangian kung hahayaan kong maimpluwensiyahan ng kaniyang banal na espiritu ang aking buhay.”

Pagkatapos pag-aralan ang kabanata 26, “Isang Diyos na ‘Handang Magpatawad,’” sinabi ni Joanna, isang kabataang babae mula sa Poland: “Para sa akin, ang mga nabasa ko ay gaya ng di-matutumbasang kayamanan na naging napakahalaga sa aking buhay.”

Naniniwala kaming matutulungan at maaaliw ka rin ng 320-pahinang aklat na ito. Maaari kang humiling ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa ibaba o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.