Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kuryente Noon Espirituwal na Liwanag Ngayon

Kuryente Noon Espirituwal na Liwanag Ngayon

Kuryente Noon Espirituwal na Liwanag Ngayon

MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA ITALYA

◼ Noong unang mga taon ng dekada ng 1900, nagsimulang dumami ang mga industriya sa kabundukan ng Pistoia, Italya. Upang mailuwas ang mga materyales at produkto, ginawa ang isang riles ng de-kuryenteng tren. Pinasinayaan noong Hunyo 21, 1926 ang makitid na riles na ito na bumabagtas nang mga 15 kilometro sa mga burol at kabundukan.

Isang substation (itaas sa kaliwa) ang nagsusuplay ng kuryente sa tren. Ngunit nang maglaon, madalang na ang mga nagbibiyahe sa pamamagitan ng tren na ito kaya huminto ang operasyon nito at tuluyan na itong isinara noong 1965. Pero ano ang nangyari sa mga gusaling itinayo sa kahabaan ng riles? Ang ilan ay pinabayaan na lamang; ang iba ay ginawang beerhouse at istasyon ng bus.

Ang substation naman ng kuryente ay kinumpuni. Binili ito noong 1997 ng Asosasyon ng mga Saksi ni Jehova sa San Marcello Pistoia at ginawang isa sa pinakanatatanging Kingdom Hall sa Tuscany (kaliwa sa ibaba). Ang mga kabilang sa kongregasyon na nagpupulong sa dating substation na ito ay abalang “sumisikat . . . bilang mga tagapagbigay-liwanag” sa kabundukang ito, anupat ipinangangaral ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. (Filipos 2:15; Mateo 24:14) Oo, ang gusaling dating ginagamit sa pagsusuplay ng kuryente sa literal na paraan ay ginagamit na ngayon upang magpasinag ng espirituwal na liwanag.​—Mateo 5:14-16; 28:19, 20.