Nakatulong Ito sa Pagrereport Ko sa Paaralan
Nakatulong Ito sa Pagrereport Ko sa Paaralan
Maraming dayuhang estudyante sa isang bokasyonal na paaralan sa Alemanya. Nagmula sila sa Georgia, India, Lebanon, Poland, Pransiya, Russia, Timog Aprika, Ukraine, Vietnam, at dating Yugoslavia.
Sumulat ang isa sa mga estudyante: “Nang magkaroon ng pagkakataong magreport sa klase, nagboluntaryo ako. Pinili ko ang paksang ‘Praktikal na mga Sagot sa Tanong ng mga Kabataan,’ batay sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. Nagustuhan ng mga estudyante ang mga paksa sa aklat at ang magagandang payong ibinibigay nito.
“Nang matapos ako, malakas ang palakpakan ng mga estudyante bilang pasasalamat. Dahil nag-aaral naman silang lahat ng wika at nakauunawa ng Ingles, nakapagpasakamay ako sa kanila ng 30 kopya sa wikang Ingles ng aklat na Tanong ng mga Kabataan, at binigyan ko rin ang guro ng isang kopya sa wikang Aleman.”
Nang sumunod na mga araw, ipinagpatuloy ng estudyanteng ito ang pakikipag-usap sa ilan sa kaniyang mga kaeskuwela, at interesado naman sila. Binigyan niya sila ng karagdagan pang mga literaturang batay sa Bibliya sa mga wikang Arabe, Bengali, Kastila, Georgiano, Polako, Ruso, at Vietnamese.
Baka may kilala kang kabataan na makikinabang mula sa aklat na Tanong ng mga Kabataan. Kasama sa 39 na kabanata nito ang mga paksang: “Papaano Ako Magkakaroon ng Tunay na mga Kaibigan?,” “Tama Kaya ang Pakikipagtalik Muna Bago ang Kasal?,” at “Papaano Ko Malalaman Kung Ito nga’y Tunay na Pag-ibig?” Maaari kang humiling ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa ibaba o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.