Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Binti ng Seagull

Binti ng Seagull

 May Nagdisenyo ba Nito?

Binti ng Seagull

▪ Hindi naninigas sa lamig ang isang seagull kahit na nakatuntong ito sa yelo. Ano ang sekreto ng nilalang na ito para mapanatili ang init sa kaniyang katawan? Isa na rito ang tinatawag na mga countercurrent heat exchanger.

Pag-isipan ito: Ang countercurrent heat exchanger ay binubuo ng isang tubo na dinadaluyan ng mainit na likido, katabi ng isa pang tubo na dinadaluyan naman ng malamig na likido. Kapag pareho ang direksiyon ng likido, karaniwan nang napaiinit lamang nang 50 porsiyento ang likido sa kabilang tubo. Pero kung magkasalungat ang daloy ng likido, napaiinit nang halos 100 porsiyento ang likido sa kabilang tubo.

Pinalalamig ng mga heat exchanger sa mga binti ng seagull ang dugo na dumadaloy patungo sa mga paa nito hanggang sa halos magyelo at pagkatapos ay muli itong pinaiinit bago bumalik sa katawan. Hinggil sa mga ibon sa malalamig na lugar, ganito ang isinulat ng ornitologong si Gary Ritchison: “Ang konsepto ng countercurrent heat exchange ay napakabisa at napakahusay anupat ginagamit din ang konseptong ito sa mga proyekto sa inhinyeriya para makatipid sa enerhiya.”

Ano sa palagay mo? Basta na lamang ba nagkaroon ng countercurrent heat exchanger ang mga binti ng seagull? O may nagdisenyo nito? *

[Talababa]

^ par. 6 Mayroon ding mga countercurrent heat exchanger ang mga tao, ilang isda, at ang maraming iba pang hayop.

[Dayagram/Mga Larawan sa pahina 25]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Pinaiinit ng mga “heat exchanger” sa mga binti ng “seagull” ang dugo bago bumalik sa katawan

[Dayagram]

32°C

0-5°C

[Picture Credit Line sa pahina 25]

Seagull: © Michael S. Nolan/age fotostock