Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“May Pangalan Pala ang Diyos”

“May Pangalan Pala ang Diyos”

 “May Pangalan Pala ang Diyos”

▪ Iyan ang sinabi ng isang babae pagkabasa niya ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? “Dapat lang naman,” ang sabi pa niya. “Nang hanapin ko ang pangalan ng Diyos sa aking Bibliya, naroroon nga iyon!” Ipinaliwanag niya: “Ngayon lang ako nakabasa ng isang aklat tungkol sa Bibliya na napakadaling intindihin at talagang marami kang matututuhan!”

Hindi lamang ipinakikita ng aklat na Itinuturo ng Bibliya na orihinal na layunin ng Diyos na maging paraiso ang lupa, kundi nililiwanag din nito kung paano matutupad ang layuning iyon. Isinisiwalat ng aklat ang mahalagang papel ng Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo, sa pagsasakatuparan ng layuning ito. Isinasaad dito ang paliwanag ng Bibliya kung bakit tayo tumatanda at namamatay, kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa, at kung paano wawakasan ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng pagdurusa.

Bagaman tatlong taon pa lamang ang nakalilipas mula nang ilathala ang aklat na Itinuturo ng Bibliya, mahigit 79 na milyong kopya na ng aklat na ito ang nailimbag sa 220 wika. Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.