Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

‘Sinasagot Nito ang mga Tanong Namin’

‘Sinasagot Nito ang mga Tanong Namin’

‘Sinasagot Nito ang mga Tanong Namin’

◼ ‘Sinasagot nito ang mga tanong namin.’ Ganiyan ang sinasabi ng mga kabataan tungkol sa bagong aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2. “Nalilito po ako at hindi ko maintindihan ang sarili ko,” ang isinulat ni Jessicah na taga-Texas, E.U.A. “Talagang napatibay po ako ng aklat na ito. Nakatulong sa akin na malamang marami palang kabataang gaya ko na nagkakaproblema rin habang naglilingkod sa Diyos. Nasagot po ng aklat ang halos lahat ng tanong ng kabataang tulad ko.”

Sinabi ni Breann na taga-Colorado: “Nagtagumpay po ang aklat ninyo sa layunin nito na himuking mag-usap ang mga magulang at ang kanilang mga anak. Kapag gusto kong kausapin ang nanay ko, binabasa ko sa kaniya ang bahagi ng aklat na gusto kong marinig niya. Nabasa rin ito ng kaibigan ko kaya gusto na rin niyang makipag-usap sa mga magulang niya.”

Tinatalakay sa unang mga kabanata ng aklat ang mga tanong tungkol sa isang bagay na partikular nang nasa isip ng mga kabataan​—ang kaugnayan sa di-kasekso. Sumulat si Katrina na taga-New Jersey: “Sa tulong ng aklat, lalo akong naging desidido na hindi muna makipag-date anuman ang sabihin ng iba dahil hindi pa ako handa. Isa pa, kung single ka, mas marami kang magagawa! Nae-enjoy ko pa ang mga ginagawa ko ngayon. At kapag handa na akong makipag-date, mas alam ko na kung ano ang hahanapin sa isang kapareha at kung ano ang dapat gawin.”

Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

[Larawan sa pahina 32]

Jessicah

[Larawan sa pahina 32]

Breann

[Larawan sa pahina 32]

Katrina