Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

May Nagdisenyo ba Nito?

Balat ng Pating

Balat ng Pating

● Kung titingnan ang balat ng pating, mukha itong makinis. Pero kung hahagurin mula buntot papunta sa ulo, magaspang ito tulad ng papel de-liha. *

Pag-isipan ito: Ang uka-uka at pagkaliliit na mga kaliskis na nagpapagaspang sa balat ng pating ay may dalawang pakinabang. Una, malaking tulong ang mga ito para mabilis na makalangoy ang pating nang walang kahirap-hirap. Ikalawa, palibhasa’y gumagalaw ang mga kaliskis habang lumalangoy ang pating, hindi nakakapamahay rito ang mga parasito.

Marami nang kagamitan ang itinulad sa balat ng pating. Halimbawa, nakagawa na ang mga siyentipiko ng swimsuit na bahagyang nakakapagpabilis ng paglangoy. Naniniwala sila na puwede rin silang makagawa ng mas mabibilis na kotse at bangka.

Umaasa rin ang mga mananaliksik na makakagawa sila ng coating sa bangka na gaya ng balat ng pating na hindi kinakapitan ng mikrobyo. Mapapalitan nito ang ginagamit ngayon na nakakalasong pintura na nakakasamâ sa kapaligiran. Maaari ding makagawa ng mga medikal na produkto at kagamitang makakabawas sa panganib ng impeksiyon na nakukuha sa ospital.

Ano sa palagay mo? Nagkataon lang ba na ganito ang balat ng pating? O may nagdisenyo nito?

[Talababa]

^ par. 3 Hindi mahahalata ang gaspang ng balat ng pating kung hahagurin ito mula ulo papunta sa buntot.

[Larawan sa pahina 10]

Pinalaking larawan ng kaliskis ng pating

[Picture Credit Lines sa pahina 10]

Scales: © Eye of Science/Photo Researchers, Inc.; shark: © Image Source/age fotostock