Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Tulungan N’yo Po Ako”

“Tulungan N’yo Po Ako”

“Tulungan N’yo Po Ako”

● Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico ay nakatanggap ng sulat mula sa isang babaing nagtatrabaho sa isang paaralan para sa mga may kapansanan at sakit sa isip. Isinulat niya: “Noong Mayo 9, namatay ang nanay ko. Ang bait pa naman niya. Talagang nangungulila ako sa kaniya. Mga ilang buwan bago siya mamatay, kinailangan kong magsaliksik para sa trabaho ko hinggil sa paksang thanatology, ang pag-aaral tungkol sa kamatayan at kung paano ito haharapin. Akala ko’y matutulungan din ako nito. Hindi pala.”

Nang minsang lungkot na lungkot siya, nanalangin siya sa Diyos, “Tulungan n’yo po ako.” “Nang gabing iyon,” ang sabi niya, “binasa ko ang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Pakiramdam ko, isinulat iyon para sa akin. Sinabi doon na ayos lang na umiyak. Ganito ang sinasabi sa seksiyong ‘Paano Ko Mapagtitiisan ang Aking Pagdadalamhati?’: ‘Huwag mamaliitin ang bisa ng iyong mga panalangin. . . . Ang tulong na itinutustos ng Diyos ay may nagagawa. . . . Totoo, ang maka-Diyos na tulong ay di-nakapag-aalis ng hapdi, subalit nakapagpapaluwag naman ng kalooban. Hindi ito nangangahulugang hindi ka na luluha o malilimutan mo na ang iyong minamahal. Kundi makakayanan mo ito.’ Nakatulong talaga ito.”

Kung namatayan ka na ng isang mahal sa buhay at kailangan mo ng tulong, malamang na maaliw ka rin o ang iyong kakilala ng 32-pahinang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal.

Maaari kang humiling ng isang kopya ng brosyur na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na ipinakikita rito.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.